TNQ 37: Chain of Turns

9.2K 250 17
                                    

A/N: hi guys! Its me again.. Wala namiss ko lang kayo.. Hahaha..

So eto, bilang pambawi.. Isang may kahabaan din at medyo maaksyong update..

Enjoy guys..

----

Aileen's POV:

Sinubukan kong tumayo pero sa namamanhid ko ng katawan ay di ko na maigalaw pa ang sarili.

Ilang oras din nila akong pinahihirapan kagaya ng nangyari sa akin noon.

"Mabuti naman at gising kana Rosette.." kahit di ko pa lingunin kung sino ang nagsasalita ay kilala ko na ito.

Nagtagis ang bagang ko at matalim na tiningnan ang lalaking prenting nakaupo sa harapan ko.

Nakadekwatro pa ito at nakangisi.

"Hindi madaling patayin ang isang katulad ko Ragon.." mariing usal ko. Umani naman ito ng isang malutong na halakhak mula sa kanya.

"Magaling... Dahil gusto kong masaksihan mo ang pagpatay ko kay Uno.." nakangising smbit nito.

Napakunot noo ako..

Uno? Papano nasali dito si Uno?

At tila naging sagot sa katanungan ko ang malakas na putok na nanggaling yata sa labas ng warehouse na kinaroroonan namin.

"Sino ka bang talaga, alipin?? Bakit ang isang Uno ay nag-aksaya ng panahong iligtas ka??" nakakunot noo na din si Louie.

Seryoso siya at halata sa itsura niya na naguguluhan din.

Napangisi ako na unti unti ay naging halakhak. Malakas ito na nagpatindi lalo sa inis ng taong kaharap ko.

Paaaakk...

Sinabunutan ni Louie ang buhok ko at hinila upang itaas ang mukha ko matapos akong sampalin.

Napangiwi ako sa sakit dahil sa mahigpit na pagkahawak niya. Tila matatanggal na ang anit ko.

"Nakuha mo pang tumawa??" galit na sambit nito.

I smirk..

"Wala ka pang alam, Ragon! Kahit patayin mo ako, wala ka pa ring kwenta! Hindi mo pa rin makukuha ang inaasam mo! Hangga't nariyan si Uno!" singhal ko sa kanya.

Lumagpak na namang muli ang palad niya sa aking pisngi. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi.

"Papatayin ko si Uno! At isusunod kita!" gigil na sambit nito at padabog na lumabas ng silid.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.

Di pa rin ako makapaniwalang narito si Lian..

Ililigtas niya ako? Sa kabila ng nagawa kobsa pamilya nila?

---

Jaya's POV:

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Halos di ko maibuka ng maayos dahil mabigat pa ito. Hindi ko pa din maigalaw ang kamay at paa ko dahil tila may nakadagan itong mabigat. Tila naparalyzed ang buong katawan ko..

Then I remember..

Nabangga ako ng isang malakibg truck..

Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mata..

Gian.. He betrayed me.. I saw him kissing Chase.. At ang sakit sakit.. I really love him and i already imagined myself with him by my side..

A bitter smile pasted in my face when i remember it. Pilit kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Sinubukan kong lumingon pero masakit ang leeg ko.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon