TNQ 44: The Testament

8K 223 15
                                    

Lian's POV:

Kaagad kaming tumungo sa punerarya kung saan dinala ang mga labi ni Mommy. Tinawagan kami ni Lion na doon nalang dumeretso at naiayos na niya ito.

Nasa ospital pa sina Dad at Phantom maging Kaeda na ama ni Alexis na bukod tanging nakaligtas sa pananambang na iyon sa kanila.

Halos manginig ang katawan ko ng tumuntong kami sa punerarya at nakita ko ang kabaong na nasa pinakagitna.

Alam kong darating talaga ang panahong katulad nito pero hindi ko inaasahang ganito kaaga itong magaganap.

"Lian.." salubong sa akin ni Lion na unang nakapansin sa pagpasok namin. Kaagad nitong ginagap ang kamay ko kaya alam kong naramdaman niya ang panginginig nito.

Ayokong magsalita. Dahil alam kong sa oras na ibuka ko ang aking bibig ay sasabog lahat ng emosyong nakatipon sa aking puso na pilit kong ikinukulong sa aking dibdib.

Dahan dahan kong inihakbang ang aking paa papalapit sa kabaong na nakasara. Sabi ni Lion, pinili niyang isara ito upang mananatili sa alaala ng mga nagmamahal kay Mommy ang maganda niyang itsura.

Naramdaman ko ang paghawak ni Rave sa aking balikat at ang pag-alalay niya sa akin.

Halos manginig ang kamay ko ng ibukas ko ang kabaong ni Mommy. Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng makita ang itsura niya kaya muli ko itong isinara pabalik.

Shit! Mga walanghiya sila! Pagbabayarin ko sila..

Hinila naman ako ni Rave pasubsob sa kanyang dibdib kaya mahigpit akong yumakap sa kanya.

Hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Magkahalong pait, sakit at poot ang naghahari sa aking dibdib at tuluyang humulagpos ang emosyong pilit kong pinipigilan..

Tahimik ang paligid maliban sa malakas na iyak at sigaw ng hinagpis na di ko namalayang kumawala na pala sa aking mga labi.

Mas hinigpitan naman ni Rave ang pagyakap sa akin. Hinahaplos na din niya ang likod ko.

"Sshhh.. Angel ko.. Ssssshhh.. Ssssshhh..." bulong ni Rave at hinalik halikan ako sa ulo.

Patuloy lang ako sa pagtagis pero di na ganun kalakas. Mabuti nalang at andito si Rave. Kailangang kailangan ko ng yayakap sa akin dahil kung hindi ay baka magwawala ako ngayon.

Pinapatahan naman ako ni Rave at marami siyang ibinulong sa akin habang iginiya ako paupo. Pero wala na ni isa mang pumasok sa aking utak.

Hinamig ko ang sarili at kumawala sa pagkayakap sa kanya. Pinahid ko ang luhang kanina lang ay di maampat sa pagpatak.

Kailangan kong magpakatatag ngayon. Kailangan kong mag-isip..

Nagdatingan na sina Nina at Nick pati na din sina Jaya at Gian. Kaagad na nagsilapit ang mga ito sa akin at isa isa nila akong niyakap.

Di pa napigilan ni Nina na muling humagulhol ng iyak.

"Sissy.." tanging nasambit niya at muli na namang pumatak ang luha ko.

Lumipas ang mga oras na nanatili lang akong nakaupo sa harapan ng kabaong. Di naman umalis sa tabi ko si Lion at hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

Si Rave na ang umasikaso sa mga nakikiramay katulong niya sina Nick at Gian pati na din sina Nina at Jaya.

Parehas lang kami ni Lion na walang kibo. Wala ni isa man sa amin ang gustong magsalita. Si Kate ay madalas na nilalapitan ang asawa pero ayaw namang tumayo ni Lion.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon