TNQ 29: The Key

9.8K 251 24
                                    

Nina's POV

Panay ang singhot ko sa harap ng telebesyon habang pinapanood ang palabas na two wives.

Graveh! Dalang dala talaga ako sa bawat eksena.. Feeling relate kasi ako eh.. Buti nalang talaga at di kami umabot ni Nick sa ganoong pangyayari.

Panay pa ang pahid ko sa aking luha at sipon ng makarinig ng ugong ng humintong sasakyan sa harap ng aming bahay.

Lumipad kaagad ang tingin ko sa malaking orasan na nasa dingding.

Alas 9:30 na ng gabi.

Baka si Nick na iyan..

Akmang tatayo ako mula sa pagkasalampak sa sofa ng nagmamadaling pumanaog si Ate Mhel sa hagdan. Siya kasi ang nagpapatulog kay Nian..

"Baka ang manliligaw ko na iyan! Dyosko! Kinikilig ako!" tumitiling sambit nito at inaayos pa ang suot na damit.

Obvious na narinig din nito ang ugong ng pumaradang sasakyan.

Ipinagkrus ko ang braso sa aking dibdib at tinaasan ng kilay si Ate Mhel.

"May manliligaw ka?" takang tanong ko.

Ngumisi naman siya at humarap sa salamin na nasa ibaba ng hagdan.

"Ikaw naman.. Syempre meron din naman noh!" natatawang sagot nito.

Napangiti na rin ako.

Oh well, di pa naman kasi ganun katanda si Ate Mhel para mawalan ng pag-asa na magkaasawa. Mas matanda lang kasi ito sa akin ng ilang taon kaya magtetrenta pa lang ito.

"Hahaha... Oh siya.. Pero bakit gabing-gabi na pumunta? Dapat maaga pa.." sagot ko.

"Syempre busy sa trabaho... Tsaka alam niyang yaya ako ni Nian kaya malamang iniisip nun eh gabi na ako mababakante.." sagot nito at tinungo ang bintana saka sumilip doon.

"Talaga? Wow bongga pala yang manliligaw mo Ate Mhel.. O edi sasagutin mo na yan?" tanong ko at nakisilip na din.

May bumaba ngang lalaki mula sa isang kotseng nakapark sa harap.

Kinilig naman ng todo si Ate Mhel pagkakita sa lalaki.

"Ay di pa.. Syempre kikilatisin ko muna ng husto." sagot nito.

Natatawa nalang ako at muling bumalik sa panonood ng tv.

Pinagbuksan naman ni Ate Mhel ang kanyang bisita at ipinakilala sa akin.

"Nin, si Reegan Ch. Ree, si Nina pinsan ko yan.. Mommy ni Nian.." pagpapakilala nito sa aming dalawa.

Muntik na akong mapatili pagkakita sa bisita ni Ate Mhel. Buti na lang at maagap kong natakpan ang aking bibig.

Seriously!? Si Reegan ng Yoon clan?

"Good evening po mam.." magalang sa sambit nito saka inilahad ang kanang palad upang makipagkamay.

Napangiti ako at tinanggap ang kamay nito.

"Ah.. Maiwan ko na muna kayo at sisilipin ko lang si Nian." paalam ko sa kanila at hinayaan na ang dalawa na magsolo.

Umakyat na ako sa taas at sinilip ang mahimbing na natutulog na si Nian. Inayos ko ang kanyang kumot at saka tumabi at yumakap sa kanya. I kiss her forhead at pumikit.

Di ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako sa isang mabining halik sa aking noo.

"Hubby..." pupungas pungas na bigkas ko matapos mabungaran ang nakangiting mukha ni Nick.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon