TNQ 52: Raped

8.6K 235 11
                                    

***

Nina's POV:

Mabilis akong napatayo ng bumukas ang pintuan ng aming sala. Bumungad ang nakangiting si Nick.

"Hubby!" patakbo kong nilapitan ang aking asawa at kaagad na yumakap sa kanya.

"Mukhang miss na miss mo ako wifey ah.. Dalawang araw lang akong nawala.." nanunudyong sambit ni Nick at hinapit ako sa bewang.

Napalabi naman ako.

Syempre nag-aalala ako at sa 2days na pagkakalayo namin eh alam kong gyera at gulo ang pinuntahan nila. Di pa nga ako halos nakaget over sa nangyari sa akin sa bar eh.

"Bakit, masama ba ang mag-alala?" tanong ko. Tawa lang ang isinagot ni Nick.

Nagpahanda na ako ng makakain namin at sabay naming tinungo ang silid ni Nian.

Pansin ko ang ilang pasa sa mukha niya at may mga galos din sa braso. Pero bukod doon ay wala namang malalang tama kaya nakahinga ako ng maluwag.

***

Monique's POV:

Kaagad na ipinasa ko kay Lian ang mga nabuo kong reports mula sa pagmamanman ko rito sa NY. Ilang linggo na rin ako dito at marami rami na rin ang nakuha kong data. But sadly, hindi ko talaga magawang mapasok ang empire ni Supremo.

Mula sa pagkatutok sa aking laptop ay napaangat ako ng tingin ng tumunog ang cp ko na nakapatong sa tabi ng laptop.

Kaagad na naexcite ako ng makitang si yugurt pala ang napatawag. Mabilis ko itong dinampot at sinagot.

Hello yugurt ko! Kamusta? masayang bungad ko kay Brad. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.

Okay na yugurt. Tapos na ang misyon namin rito. Eh ikaw, how are you and baby nicole? tanong niya.

Napalunok ako ng konti pagkabanggit sa pangalan ng anak. Miss na miss ko na ito pero di ko pa nagawang bumisita sa kanya. Masyado akong natutok sa misyon ko.

A-ahm.. W-were fine yugurt.. tila bumara sa lalamunan ko ang sinabi ko.

Yugurt, ill be leaving early tomorrow at pupuntahan ko kayo dyan sa NY. Miss ko na kayo ni baby. Oh wait tawag ako.. Bye yugurt.. Love you!

Muntik ko ng mabitiwan ang hawak na cp sa narinig.

Oh no! Anong gagawin ko? Malalaman niyang wala si Nicole dito..

***

Gab's POV:

"Hey! Bakit niyo ba ako ikinulong dito?" paasik na tanong ko sa mga guards na nakabantay sa akin. Saglit silang tumigil sa paglalaro at lumingon sa dereksyon ko. Per nagtawanan lang sila at muling itinuon ang atensyon sa pagbabaraha.

Shit! Pilit kong hinihila ang kadena na nakagapos sa aking paa. Masakit ito at namamaga na sa kapipilit kong makawala.

Ilang buwan naba ako rito? Ni wala man lang bang naghahanap sa akin? Pinabayaan naba ako ng Mosh ko?

Nag-unahang pumatak ang luha sa aking mata pero kaagad ko itong pinunasan. Kailangan kong magpakatatag.

Kung wala silang balak iligtas ako, ako na mismo ang gagawa ng paraan upang makatakas.

Muli kong tiningnan ang mga lalaking nasa labas. I need to think fast. Kailangan kong tumakas dito.

"Hey, naiihi ako.." tawag ko sa kanila. Tiningnan muna ako ng isa at tila tinantiya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Mayamaya ay tumayo na ito at dinukot ang susi sa bulsa. Binuksan niya ang lock ng kadena ko sa paa kaya malaya ko na itong naigalaw.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon