TNQ 47: Entering Gangsters Empire (P-1)

8.3K 243 17
                                    

Nina's POV:

Kinakabahan ako habang patungo kami ni Nick sa bahay ni Lian na nagsilbing headquarters ng buong team.

Di ko aakalaing masasali ako sa actual na operasyon ni Lian tulad nito at may gagampanan pa akong papel.

"Are you okay wifey? You can back out if you like.." tanong ni Nick sa akin at pasulyap na tiningnan ako habang nagmamaneho.

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"I'm fine hubby.. Medyo kinakabahan lang.." mahinang usal ko.

I need to do this.. Kailangang matapos na ang gulong ito. Malaki na ang isinakripisyo ni Lian para sa amin.

"I'll be watching you.." usal ni Nick at ginagap ang palad ko.

Tumango ako at tahimik na nakamasid sa ing daanan. I wonder what's going to happen this time.

Alam kong maging sila ay walang ideya at nanghuhula lang sa mga plano ni Lian. But still, we trust her.

She never fails in her every move.

Pumarada kami sa harap ng bahay at kaagad na bumaba si Nick upang pagbuksan ako ng pintuan at sabay na kaming pumasok sa loob ng kabahayan.

Naroon na sina Lion at Dominique pero wala kaming ibang nakikita.

"Nasaan sila? Si Nicnic?" tanong ko ng makapasok at naupo na sa silya sa may kitchen counter.

"Inihatid ni Brad sina Mon sa New York. Doon daw muna si Monique habang may gulo pa. Tsk.. Mukhang nagtatampo pa ang isang iyon kay Lian.." sagot ni Kate at inilapag sa harap ko ang isang platito ng chips.

"Are you ready sissy?" tanong ni Lian na pumasok mula sa sliding door ng kusina.

Tumango ako. Lumapit siya sa pwesto ni Lion na nasa harap na ng computer na nakabukas. May mga lugar na nakazoom in doon na nasa iba't ibang panig yata ng maynila.

Tila may kinuha na kung ano si Lian mula sa isa sa mga drawer doon at saka siya bumalik sa akin..

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Okay.. You just dress exactly of what i want you to wear.." usal niya at may ikinabit sa aking suot na blouse.

"This is a microchip camera. Nakikita ko mula rito ang lahat ng makikita mo kaya don't worry, i'll be your monitor. Wear this.." sambit niya at inabot ang magkapares na hikaw sa akin.

"Para saan naman ito?" tanong ko habang isinusuot ang hikaw.

"That would be our means of communication.. This things, ginawa ko yan for this mission. Nakasalalay nalang sayo ang susunod nating hakbang.." usal niya at nginitian ako.

Tila tuloy mas lalo akong nininerbyos sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang gagawin ko eh..

"Are you ready?" tanong ni Lian.

"A-ano bang gagawin ko?" kinakabahang tanong ko.

Ginagap ni Lian ang mga palad ko at dinala sa kanyang bibig upang kintalan ng halik.

"Simple.. Do as i say.." sambit niya at tinungo na ang isa sa upuan sa harap ng computer.

Mas lalo tuloy akong naguluhan.

"Lets go!" masiglang sambit ni Dominique.

"Ako na ang maghahatid sa kanya.." sawata ni Nick.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Dom.

"Jealous Nick Yu?.. Don't worry, im a pure lady and i love men.. Not women.." nakangising saad ni Dom at kinindatan pa si Nick.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon