Chapter 62: Forever

Bắt đầu từ đầu
                                    

Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan ang hiling niya. Eto na nga minamasahe ko na ang tiyan niya at the same time nahahawakan ko na ang abs niya. Na tsansingan ko pa. Kyaaa.

"Hindi diyan ang masakit. Ibaba mo pa ng kaunti" sa sobrang kahibangan ko yung chest niya na ang minamasahe ko.

"Ay sorry"  dahan dahan lang ang pagmasahe ko. Nanginginig rin ako at saka alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Buti na lang nakapikit siya.

"Hindi diyan. Ibaba mo pa" binaba ko pa ng kaunti yung mga kamay ko. Yung totoo? Saan niya balak magpamasahe? Sa may banda ng mga kidney niya?

"Sabing hindi diyan. Ibaba mo pa" binaba ko pa ulit yung mga kamay ko ng one inch.

"Baba pa" huh? Kung ibaba ko pa kasi mahahawakan ko na yung.....

Mas lalo akong namula. Natigil tuloy ako sa ginagawa ko.

"Ano na?" sigaw niya. Pinagtuloy ko tuloy yung pagmamasahe niya sa tiyan niya.

"Diba sabi ko hindi diyan. Sa may bandang baba"

"Eh sabi mo kasi sa may bandang tiyan mo. Puro ka kasi 'baba pa' 'baba pa'! Anong gusto mong imasahe ko sayo, yung bird mo?!" di ko na napigilan yung lumabas sa bibig ko.

Minulat niya yung mga mata at mataman akong tiningnan.

"Sabi ko sa may bandang baba ng tiyan lang naman yung ipapamasahe ko sayo" ngumisi siya. "Ikaw ang iba ang iniisip"

Kapal ng mukha! Makaalis na nga! Pero bago pa ako makaalis ay hinigit niya ang kamay ko dahilan upang matumba ako at mapasubsob ang mukha ko sa ipinagmamalaki niyang abs.

Napabalikwas ako ng bangon kasi naramdaman ko na lang sa may dibdib ko yung..alam niyo na.

Basta naramdaman ko na lang. Malaki. Aist! Erase! Erase!

"Aalis na ako. Usap tayo mamaya" at dali-dali akong lumabas ng kwarto niya.

Balak ko kasi sanang mag-usap kami ng masinsinan habang minamasahe ko siya kaso nadistract ako. At saka...ayoko na pag-usapan.

Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at ang init-init. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nag sign of the cross.

"Lord, natutukso ako.  Sorry po"

Dahil sa pagod dala na rin ng ginawa ko kanina ay nakatulog ako. Paggising ko ay madilim na kaya lumabas na ako at dumaan ako sa kwarto ni Charles. Katok ako ng katok, walang lumalabas at nang pinihit ko yung doorknob ay nakalock ito. Naisip ko na lang na baka lumabas si Charles at nasa paligid lang ito.

Nakasalubong ko si Tito sa may lobby. Gusto ko sana siyang tanungin kung nakita nya si Charles kaso may kausap sa cellphone. Aalis na sana ako nang binaba niya na yung cellphone kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Hi Tito. Nakita niyo po ba si Charles?"

"Si Charles? Diba bumalik na sa Manila?" nagulat ako sa sinabi niya.

"A-ano? Si Charles? Imposible naman ho yang sinasabi niyo"

"Anong imposible? Eh kaaalis niya pa lang mahigit isang oras na ang nakakalipas. Akala ko nga nagpaalam sayo kaya nagtataka ako kung bakit hindi ka man lang lumalabas ng kwarto mo"

"No!!!"

"Dala niya na rin yung mga gamit niya. Mukha daw kasing imposible nang magkaayos pa kayo"

"Hindi! Imposible! Hindi yun totoo!" tumakbo ako ng mabilis patungong kwarto niya. Nakalock nga ito. Parang gusto kong sumigaw. Para ngang nagawa niya nang makipagbiruan sa akin kanina tapos iiwan niya na ako? Akala ko pagkatapos ng gabing ito magiging maayos na kami.

Marrying My Boss [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ