Nineteen

524 25 4
                                    

Nineteen
What's happening?

Nagyayang kumain muna sa mall si Grey bago umuwi sa amin. Pumayag na ako dahil wala naman din akong magagawa. Magtatampo pa 'to kapag hindi ako pumayag. Marami kaming napag-usapan kanina sa bahay nina Kylie. Gusto na ngang subukan ni Grey na kausapin si Kiel, ngunit hindi muna ako pumayag. Wala si Muriel at hindi ko alam kung paano. Paano ko nga ba nagawang iguhit yung pagkamatay ni Emma? Wala akong ideya kung saan ko iyon nalaman.

"Kuya, pizza at chicken ang akin. Salamat." ani Grey at tinulak ako papuntang counter. Dahilan para matamaan ko ang nasa harapan ko. Lumingon sa akin ang babae at sumimangot.

"I'm sorry. Natulak kasi ako ng kapatid ko." nginitian ko siya at napansin ko ang pagpula ng pisngi niya. Tumango lang ito at binalik ang tingin sa counter.

Familiar ang mukha niya. Siguro ay nakikita ko siya sa university. Baka naman kaklase ko 'to sa isang subject? Sa dami na ng subjects na natapos ko na, baka naging kaklase ko siya sa isa sa mga ito.

Mabilis ang pila at agad akong naka-order. Nakita ko si Grey na nakaupo na sa may dulo. Nakita ko rin ang babae kanina sa counter na hanggang ngayon ay naghahanap pa ata ng upuan. Nilapitan ko agad si Grey at pinatong ang tray sa mesa.

"Grey, lagay mo ang bag mo dito sa tabi ko."

"Bakit naman kuya?"

"May uupo diyan." tumayo ako at pinuntahan yung babae. Nakasimangot na ito dahil sa walang makitang bakanteng upuan.

"Miss, gusto mong tumabi sa amin ng kapatid ko? Kasya ka pa naman."

Nagulat ata siya sa bigla kong pagkasabi nun at nanlaki ang mata niya. Tinignan niya ako pagkatapos ay tinignan ang mesa namin na tinuturo ko. Tumango na lang siya at medyo yumuko.

"Sandali lang hah? Kukuha lang ako ng kutsara at tinidor."

Mabilis akong kumuha at naglakad na kami palapit sa mesa. Bawas na agad ang pizza na binili ko. Ngumunguya si Grey at napailing na lang ako. Di man ako hinintay ng loko.

Pinatong ng babae ang tray niya sa mesa at nginitian si Grey.

"Ito ba yung girlfriend mo kuya?" tanong agad ng kapatid ko. Namula nanaman ang pisngi ng babae at umiling.

"Hindi, nakita ko lang na wala siyang maupuan kaya dito na lang siya." sagot ko at tumawa ng mahina.

"Thank you pala sa pag-offer ng upuan, Vin." nagulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Kilala niya ako pero bat hindi ko siya kilala?

"Ah, pasensya na ha, pero naging kaklase ba kita? Di ko na maalala eh, pero familiar yung mukha mo."

Umiling siya. "Diba kaibigan mo si Dy? Ako yung uhm, k-kaibigan niya."

"Dy? Dylan Mendoza?"

Tumango siya. "Ako si Coreen Alonzo."

"Ah! Ikaw pala yun!" ngumisi ako at nilabas ang cell phone ko. Eto yung babaeng nililigawan ni Dylan. Alam lang namin ang pangalan niya. Nakita ko na siya sa picture kaso ay hindi pa namin nakikita sa personal. Hindi ko siya namukhaan kaagad. Nagpakulot pa si Dylan para dito kaso ay binasted pa rin ata. Nafriendzone ata dito.

To Dylan Mendoza

Pre, kasama ko yung Coreen. Maganda ha.

Tumawa ako sa tinext ko. Tinabi ko agad ang cellphone ko at nagsimula ng kumain.

Third EyeWhere stories live. Discover now