Three

2K 34 7
                                    

Three

Para sa kanya

November one na, araw ng mga patay. 2:00 am na ng naisipan kong umalis. Wala akong pakialam kahit madaling araw pa lang, basta gusto kong bisitahin ang ate ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ni papa at dali daling lumabas ng bahay. Hindi na ako nag paalam kasi alam naman nila na pupuntahan ko talaga si ate ng ganitong oras. Dumaan ako sa may garden, at pumitas ng tatlong rosas. Paborito ni Ate ang mga to lalo na ang mga kulay puti.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Hindi naman nakakatakot kasi may ilaw naman, ang nakakatakot lang ay mag-isa ako. Ang naririnig mo lang ay ang mga kuliglig at ang paglakad ko. Agad kong nakita ang grave house namin, kung nasaan ang puntod ni ate Via dahil malapit lang ito sa entrance ng sementeryo. Pumasok ako at umupo  sa damuhan. Inilagay ang mga rosas sa ibabaw ng lapida. Sinindi ko rin ang mga kandilang dala ko.

"Ate, sabi ko naman sayo na hindi mo na kailangang bisitahin ako sa panaginip diba? Hindi naman kita makakalimutan. Ikaw pa."

Nakaramdam ako ng malamig na hangin sa may batok ko, pero hindi ako kinilabutan o natakot man. Napangiti pa nga ako eh.

"Ang sabi ko, hindi ako naniniwala sa multo. Kasi, hindi naman talaga kayo multo eh. Mga anghel kayo na nagbabantay sa amin diba?" hinaplos ko ang lapida at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Si ate lang talaga ang nagpapalambot at nagpapaiyak sa akin.

Dalawang taon pa lang ang nakakalipas nung mamatay si ate Via. Seventeen ako at twenty siya. Namatay siya sa closet niya sa dati naming bahay. Ang sabi ng mga nag-investigate, suicide daw. Binigti niya ang sarili niya sa loob ng closet gamit ang tali ng kurtina. Nakatali din ang kanyang mga paa na para bang nakaluhod kaya nagkasya siya sa closet. Ako ang nakakita sa kanya. Pagka-uwi ko galing ng university, pinuntahan ko na siya agad sa kwarto dahil may balita ako sa kanya. Durog na ang puso ko nung pagka-uwi ko, pero mas nadurog pa to nung nakita ko si ate sa closet niya.

Sobrang close kami ni Ate kaya naman sobrang apektado ako sa pagkamatay niya. Kahit na magka-iba kami ng hilig, dahil sa babae siya at lalaki ako, hindi naman yun nabawasan ng pagiging malapit namin sa isa't isa.

Kilalang kilala ko si Ate Via, kaya naman hindi ako naniniwala na nag-suicide siya. Alam kong hindi niya yun magagawa sa sarili niya. Halos magwala nga ako nung lumabas ang investigation ng mga pulis. Kung titignan mo nga naman, parang suicide talaga. Pero alam ko na, murder yun. May idea ako kung sino ang pumatay. Actually, tatlo sila. Ang boyfriend niyang seloso, ang best friend niyang inggit na inggit sa kanya at ang boss niyang may gusto sa kanya. Sigurado akong isa sa kanila ang pumatay kay Ate kaya naman ginagawa ko ang lahat para masolve to, para kay ate.

"Huwag kang mag-alala Vin, masaya ang ate mo ngayon dahil sayo."

Napalingon ako sa nag-salita. Teka bat nandito 'to dito?

Ngumiti siya sa akin at lumapit. "Vin, pumayag ka na please. Promise ko sayo na bibigyan natin ng justice ang ate mo."

"Mu-muriel."

"Alam ko, mahirap paniwalaan. Pero may kakayahan talaga akong makipag-usap sa mga kaluluwa at matutulungan kitang i-solve ang kaso ng ate mo." Umupo siya sa tabi ko at tinignan niya ang lapida ng kapatid ko.

"Paano mo nalaman yan?" Ano, mind reader na rin ba to? Tinignan ko siya pero nakatingin pa din siya sa lapida ni ate.

"Basta Vin, hindi na mahalaga yun." tinignan niya na ako "Totoo ang sinasabi ko, matutulungan kita at matutulungan mo din ako. Ang gagawin mo lang naman ay samahan ako sa mga kaso eh."

Napahinga ako ng malalim at pumikit. Bakit ba ako nagkakaroon ng second thoughts? Nung una pa lang eh ayoko na sa ideya ni Muriel eh. Ano ba tong naiisip ko?

Bigla bigla, nakita ko si Ate. Tumatawa siya, niyayakap ako. Napangiti ako. Pero nag-iba bigla ang imahe. Si Ate, umiiyak, pulang pula ang mata at maputla ang balat.

"Tulungan mo ako Vince."

"Vince, kailangan makulong siya."

"Vince!"

Nagising ako sa sigaw. Anong nangyari? Tumingin ako sa paligid, nandito pa rin ako sa sementeryo at nakita si Muriel na natutulog sa tabi ko.

Umupo ako at ginulo lalo ang buhok ko. Gagawin ko ba talaga to?

"Please."

Yung boses na yun. Si ate.

--------

"P-pumapayag ka na?"

Tumango lang ako at ininom ang hot chocolate na inorder ko.

"Arigato, Vin. Salamat talaga." nginitian niya ako.

Oo nga pala, japanese to. Nginitian ko din siya. "Basta para sakanya. Para kay Ate."

"Huwag kang mag-alala Vin. Matutulungan natin siya, pangako yan. Isasama ko yung kaso niya sa lima."

"Lima? Anong lima?"

"Ah, ano kasi. Limang kaso ang kailangan nating i-solve at meron lang tayong one year."

Napatango na lang ako. Sana nga totoo ang sinasabi niya. Siguro, desperado na talaga akong malaman ang katotohanan kaya ako napapayag ni Muriel.

"Alam ko, hindi ka pa rin naniniwala sa akin."

Napatingin ako sa kanya, nakayuko lang siya. Umiiyak ba to?

"An-ano kasi Muriel-"

Bigla siyang tumingin sa akin, titig na titig siya. "Pero baka pagkatapos ng unang kaso maniwala ka na sa akin."

Ngumisi ako "Tignan natin."

Ngumiti lang siya, pero nagbalik nanaman yung pagka-emotionless niya. Ang weird nitong babae na to grabe. "May una na pala tayong kaso. Ang room 503."

------------------

Yay, sorry if it's too short hehe. Bawi ako next chapter :)

Trivia lang, based on real situation yung 'pagkamatay' ng ate ni Vin. My schoolmate was discovered in her own closet, she strangled herself using our school necktie. May she rest in peace.

Third EyeWhere stories live. Discover now