Fourteen

968 38 4
                                    

Fourteen

Remember

Nagyayang manuod ng sine si Mika bago kami kumain. Kitang kita mo sa mga mata niya ang saya at ang pagiging excited. Sobrang saya ng aura niya ngayon na sa para bang walang makakasira sa mood niya. Masaya ako na nasasaksihan ko ang ganitong side ni Mika, ilang taon din kasi siyang naging malungkot. Noong kami pa ni Megan, ngiti lang ang makikita mo kay Mika, ngiti na may bakas ng lungkot. Ni hindi siya tumatawa at hindi siya masyadong sumasama sa amin nina Lance.

Pero lahat ng iyon ay nagbago, isang taon na ang nakalipas. Pagkatapos niyang aminin sa akin na gusto niya ako.

"I really like the movie, Vin. What do you think?" aniya at kumapit sa braso ko. Naglakad na kami palabas ng cinema at ngayon ay papunta sa KFC, gusto daw kasi siya ng manok ngayon.

"Maganda naman, magaling tung bida." ang gusto ko sanang panuorin ay yung action na movie, kaso ang tinuro ni Mika ay yung fantasy. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag mas mabuti na rin siguro ito kaysa dun sa romance na pelikula.

"Oo nga. Tsaka ang galing ng look niya."

Tumango ako "Maganda pa rin siya."

Nginitian niya ako at tumango "Very."

Hindi na ako nagsalita pagkatapos, hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin. Hindi talaga ako marunong magtuloy ng isang conversation, madalang lang na ako ang mag-umpisa. Isa na siguro ito sa mga kahinaan ko. Tinignan ko si Mika, nakangiti siya at tinitignan ang mga damit sa clothing stores na nadadaanan namin.

"Hanap ka na ng upuan, ako na lang ang mag-oorder para sayo. Snack box, diba?" Tumango siya at nag-thank you sa akin. Humanap na siya ng upuan at ako naman ay pumila na sa counter. Medyo maraming nakapili ngayon, luminga linga ako at nakita kong nakatayo si Mika. Kumaway siya sa akin at tinuro ang upuan. Ngumiti ako sa kanya at umupo na siya sa nahanap niyang upuan.

"Vincent?" Napalingon ako sa tumawag. Hindi ako sanay na may tumatawag sa akin sa buo kong pangalan. Sila mama at papa lang, pero kapag galit lang sila sa akin.

"Wow, Vincent, is that really you?"

"N-nicole?" Ngumiti siya at tumango. Malaki na ang pinagbago niya. Kulay pink na ang kanyang buhok na dati ay black ang kulay, mas pumuti na rin siya at may extra piercings pa sa tainga. Bad girl ang itsura niya, malayo sa dating siya.

"Haven't seen you since...." Tumingin siya sa ilalim at hindi na tinuloy ang sasabihin. Third year high school pa ako nang huli ko siyang nakita, lumipat kasi ako ng eskwela nung fourth year na. Kaklase ko siya at isa siya sa mga kinalolokohan ng mga lalaki. Isa na ako dun, niligawan ko rin siya. At oo na, nabasted ako. Mas pinili niya yung basketball player kaysa sa akin, si Geoff.

"Kumusta ka naman?" tanong ko sakanya, medyo mahaba pa kasi ang linya at pati rin siya ay malayo pa sa counter.

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon