Nine

1.3K 39 5
                                    

Nine

Sketch

"Any questions?" Tanong ni Mr. Martinez sa amin ngunit ni isa walang nagtaas ng kamay para magtanong.

Tumango siya at ngumiti sa amin. "Okay, none. You can all go now."

Dali dali kong nilagay ang notebook ko sa bag at binuhat ito. Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom.

"Vin, teka. Bakit ba lagi kang nagmamadali kapag dismissal na hah?" tanong ni Lance at lumapit na rin sina Dylan, Ethan at Mika sa akin. Lahat sila nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

"May bago ka na bang nililigawan, Vin?" tanong ni Ethan na nakangisi. Agad ko siyang sinamaan ng tingin, fuck this, nandito si Mika. Tinignan ko si Mika na ngayon ay lumungkot ang mukha. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni Ethan at madalang na rin namin siyang makasama.

"Wala. May ka-meeting lang ako para sa isang art commission." Tinignan ko ang relo ko para maiwasan ko ang mga tingin nila. Sa totoo lang ay ang pupuntahan ko talaga ay si Muriel. Halos araw araw ko siyang pinupuntahan para planuhin ang gagawin naming kay Mr. Reyes. Pagkatapos ng klase ay aalis na ako agad kahit na hindi pa ako nakakapag-paalam kina Lance kaya ngayon ay na-corner na ako. Kailangan ko na talagang magmadali dahil 5:00 pm na at sa pagkaka-alam ko ay kanina pa tapos ang klase ni Muriel.

'Wow, Vin! Pwede ba akong sumama? Ayoko pa kasing umuwi eh." Ani Mika na ngayon ay ngiting ngiti sa akin. Patay, ano bang sasabihin ko dito?

"Ah, ano kasi Mika, sinabihan kasi ako ng kliyente ko na kung pwede ay private ang meeting namin. Sa susunod na lang kita isasama hah? Pasensya na." pinilit kong ngumiti sa kanya. Nakita ko ang disappointment sa mukha niya pero ngumiti pa rin siya sa akin. I'm so sorry Mika, ayaw kong gawin ito sa iyo pero kailangan ko. One day, I'm gonna have the courage to say this to you.

"Tara Mik, mag-mall na lang tayo, ililibre kita ng frozen yogurt." Yaya ni Ethan sa kanya. Tumango naman si Mika kaya hinila na siya ni Ethan palabas ng room.

"Sige, una na kami, Lance, Dylan." Paalam ni Ethan, tinignan niya lang ako at ngumisi siya ulit at umiling iling.

"Mukhang galit pa sayo si Ethan ah. Hayaan mo muna yun, selos lang yun sa iyo." Sabi ni Dylan at tinapik ang likod ko.

Tumango na lang ako at ngumiti. "Mauna na ako mga tol ah. Sige." tinapik ko ang mga balikat nila at lumabas na ng classroom. Dali dali akong naglakad patungong garden at natagpuan ang nakatulalang Muriel. Umupo ako sa tabi niya at agad naman siyang lumingon sa akin.

"Painting? Patingin naman ako, Troy." Turo niya sa canvas na dala ko. Project ko ito kay Ms. Pascual, pero hindi pa ito yung prelim project na tinukoy niya nung isang araw. Ang subject ay, boys and girls. Ang simple diba? Pero ang hirap i-express sa pagpinta. Para sa akin, ito ang pinakamahirap sa pagpipinta, yung kung papaano mo maipapakitang mabuti ang gusto mong ipahayag. Dapat maging maingat ka at bago ang lahat ay pag-isipan mong mabuti ang bawat strokes. Is it a hard or soft stroke? Kahit sa simpleng stroke kasi ay makikita ang pagbabago, ganon ka dapat kaingat.

"Wow, Troy. Ang ganda nito, galing mo talaga." Tutok na tutok pa rin siya sa painting ko, para bang tinitignan niya ang bawat detalye. Napangiti na lang ako, she really brightens my day. Para sa akin kasi ay simple lang ang ginawa ko, hindi ko nga masyadong nailabas talaga ang gusto kong ipahiwatig sa painting eh. Isang babae at lalaki na magkahalikan ang painting ko, dahil gusto kong ipakita kung papano dapat ang isang relasyon. Dapat naka-focus ang dalawa sa kung papano nila mas mamahalin ang isa't isa, hindi sa kung ano pang ibang bagay. Yun ang para sa akin. Mabuti na lang ay nagustuhan naman ito ni Ms. Pascual.

Third EyeWhere stories live. Discover now