Twenty

326 16 1
                                    


Twenty
Secret



"A-alam niya? Paano?" tanong ni Muriel.

"May third eye din pala siya at nakita niya rin si Kiel."

Tumango siya at ngumiti. "Well, okay lang naman na tumulong siya. Besides, we're also solving your ate's case. Pero Troy, huwag masyado. Minsan kasi delikado eh. I don't feel good about Kiel's case."

"Ayoko rin naman, masyado nga siyang bata para malaman ang mga ganitong bagay eh. Pero iba ang kapatid ko eh, iba ang pag-iisip niya. He's gifted." mayroon talaga akong ibang nararamdaman dito at parehas pa pala kami ng iniisip ni Muriel.

"Just like you, Troy." ngumiti siya at nagsimula ng maglakad palabas ng garden. Sinundan ko naman siya at sinabayan sa pag-lalakad. Hindi ko man alam kung saan ang punta niya, basta susundan ko 'to.

"Naka-uwi na ba ang kapatid mo niyan? Kausapin sana natin siya." tanong niya sa akin nang malapit na kami gate ng university.

"Uh, siguro, kung diretso ang uwi niya." four o'clock na at kung hinatid niya man si Kylie ay naka-uwi na rin iyon. Hindi naman yun nagpapagabi ng uwi.

"Nandiyan ba ang mama mo sa bahay niyo?" tanong niya ulit.

"Wala eh, umalis sila nung kaibigan niya." gagabihin pa nga ata dahil kauuwi lang ni tita Mari galing London. Baka nag-shopping ang dalawang yun. Ang mama ko pa naman ay napakatagal bumili, parang tinitignan lalat ng tinda.

"Great! Now can we go to your house, Troy?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? "H-hah? Bakit ka pupunta?"

Sumimangot siya sa sinabi ko. Ang sama ata ng pagkakasabi nun. "Ah, i mean, anong gagawin natin sa amin?"

Lumapit siya sa akin at ngumiti. "We'll talk to Grey, remember?"

Tumango ako. Yun naman talaga ang gagawin namin doon. Wala naman akong ibang iniisip no. Wala talaga. Matino ako.

Tumawa siya at naglakad na. Hinabol ko siya at hanggang ngayon ay nakangiti pa rin siya. Gusto ko talaga pag nakangiti siya, mas bagay niya kaysa sa pagiging blanko.

"Malayo ba ang bahay niyo dito?"

"Hindi naman, sasakay lang tayo ng isang jeep pagkatapos ay nasa subdivision na tayo."

Tumigil siya sa paglakad at parang nataranta. Anong nangyari? "Uh, pwede bang maglakad na lang tayo?" tanong niya.

"Actually, nakapark yung kotse namin sa parking lot doon. Tara?"

Nawala ang pagka-taranta sa mukha niya. Ngumiti nanaman siya at tumango. Bakit ba ayaw nito ang nag-cocommute? Takot ba siya o ano?

Naglakad kami papunta sa parking lot sa labas ng university. Gamit ni papa ang bago niyang kotse kaya nagamit ko ito ngayon. Matagal na niyang gustong palitan 'tong kotse namin at ngayong nakabili na siya ng mas malaki ay sa tingin ko binibigay na niya sa akin ito. Madali namang pilitin si Papa at tsaka magkasundong magkasundo naman kami. Konting pilit lang ay alam kong ibibigay niya ito.

Pinatunog ko agad ang kotse ng nakita ko ito. Pinagbuksan ko pa ng pintuan si Muriel pero tinawanan lang niya ako. Sinaksak ko ang ipod sa aux cord at sakto Arctic Monkeys ito. Narinig ko pa lang ang intro ng kanta ay napakanta na ako.

"You like them so much no?" tanong ni Muriel ng nasa chorus na ang kanta. Sinasabayan ko kasi ang kanta, wala na akong pakialam kahit pa sintunado ako. This is my favorite song, I don't give a damn.

Third EyeWhere stories live. Discover now