Ten

1.3K 40 14
                                    

Ten

Crazy

Luha? Anong iniiyak nung kalbobong yun? Napailing na lang ako at naglakad na palayo sa room. Kailangan ko ng puntahan si Muriel. Kailangan kong sabihin ito sa kanya, agad agad. Naglakad ako ng mabilis patungong garden.

Vin!” May tumawag sa akin kaya lumingon ako. Nakita ko ang kumakaway na Mika, medyo malayo siya kaya naman naglakad pa ako papunta sa kanya.

May pupuntahan ka ba? Labas naman tayo, Vin.” Aniya at ngumuso. Hala, ano bang sasabihin ko dito?

W-wala naman kaso—

Vin, galit ka ba sa akin? B-bakit parang iniiwasan mo ako ngayon? Sabihin mo lang please.” Mangiyak ngiyak niyang sabi tsaka yumuko. Patay.

Hinawakan ko siya sa balikat at tumingin naman siya sa akin. Nginitian ko siya. Kailangan ko munang bumawi dito. “Pasensya na Mika hah? Naging busy lang talaga ako. Saan ba tayo pupunta?”

Ngumiti siya at pumalakpak ng mahina. “Uhh, sa mall? Let’s go!” Hila niya sa akin at kumapit na sa braso ko.

Ayos lang naman siguro kay Muriel kung hindi ko na muna siya mapupuntahan ngayon. Hindi ko alam ang number niya at hindi ko rin naman pwedeng dalhin si Mika sa garden. Hay, maiintindihan naman siguro nun. Sa ngayon ay sasamahan ko na muna 'to sa mall.

Sumakay na kami ng jeep papuntang mall, siyempre katabi ko si Mika. Hindi naman malayo ang mall sa university, mga 20-30 minutes lang ang byahe. Napansin kong bumubulong yung dalawang babae sa harap namin, titingin sila sa akin pagkatapos ay hahagikgik. Saktong pagtingin ko ulit sa kanila ay nakatingin na din pala sila sa akin. Ngitian nila ako at  ngumiti naman ako pabalik. Hindi naman ako ganoon ka-suplado. 

Naramdaman ko ang kamay ni Mika sa braso ko at sumiksik sa akin. Nakita kong umirap ang dalawang babae sa harapan namin. Hinayaan ko na lang at tumingin ako sa labas. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ang dalawang babae. Nilingon ko si Mika at nakita ko siyang nakatingin sa kawalan, nakangisi at medyo nakataas pa ang kilay niya kaya nagmukha siyang mataray. Naramdaman siguro niya na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"Don't stare at me Vin, nahihiya ako." tumawa naman ako sa sinabi niya. Kunwari pa ay tinakpan pa niya ang mukha niya gamit ang isa niyang kamay. Ang daming pwedeng magustuhan kay Mika, pero hindi ko alam kung bakit wala sa mga katangian niya ang nagpahulog sa akin.

"Vin, let's eat first please?" ani Mika at humawak uli sa braso ko.

Tumango ako "Saan mo gustong kumain?"

"Uh, sa yellow cab na lang. I'm craving for pizza. Let's go!" hinatak niya ako at nagsimula na kaming maglakad papunta doon. Nung nakarating na kami ay nag-pwesto siya sa bandang sulok.

"Manhattan meatlovers na lang Vin and yung drinks ko ay sola raspberry." kinuha niya ang wallet niya kaya naman pinigilan ko siya.

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon