Five

1.8K 35 14
                                    

Five

Paasa

"Sigurado ka bang ayaw mong kumain? Himala ah, wala tayo ngayon sa coffee shop." sabi ko at tinignan ang nakaupong Muriel sa tabi ko. Sobrang putla niya talaga, hindi na nagbago yung kulay niya simula kaninang umaga.

"Hindi na, okay lang ako." pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri pagkatapos. Kanina pa kami tahimik, hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Vin?" nagulat ako sa pagtawag niya sa akin pero hindi ko yun pinahalata sa kanya.

"Hm?"

"Okay lang ba kung Troy na lang ang itawag ko sayo? Hindi ka ba magagalit?" Sa unang pagkakataon, napangiti ako sa pagtanong niya sa akin. Hindi na talaga ako naaapektuhan kapag tinatawag niya akong 'Troy'. Ewan ko ba, iba yung pakiramdam ko eh, parang ang gaan.

"Bakit ba Troy ang tawag mo sa akin?" nagtataka talaga ako dito. Hindi ko naman binanggit sa kanya na second name ko yun. 

"Hindi ko alam." mahina niyang sabi, sobrang lambot ng boses niya. 

"Hah?

"Hindi ko alam kung bakit Troy ang tinawag ko sayo nun." nagkibit balikat siya at yumuko.

Gulong gulo na talaga ako sa babaeng to. Imposible namang hindi niya yun alam. Manghuhula ba to o ano?

"Bagay mo kasi yung Troy kaya tinawag kitang ganon. Hindi ko naman alam na pangalan mo pala talaga yun." aniya at ngumiti sa akin. 

"Ang galing mong magbigay ng pangalan ah."

Ngumiti lang siya at pumikit. Sumandal siya sa upuan at huminga ng malalim. "Ah, gusto mo bang marining akong kumanta?"

Napataas ako ng mga kilay sa pagkabigla sa sinabi niya. Ano bang meron dito? "O-oo naman. Sige, magkanta ka na."

When you were here before, 
Couldn't look you in the eye,
You're just like an angel, 
Your skin makes me cry;

Sobrang lamig ng boses niya, nakaka-relax pakinggan. Nakapikit pa din siya habang nagkakanta na parang dinadama niya ang bawat salita sa kanta.

But I'm a creep, 
I'm a weirdo,
What the hell am I doin' here?
I don't belong here;

Tinitignan ko lang siya habang kumakanta. Bakit kaya ito yung kinanta niya? Naramdaman ko ang pagkalungkot niya sa boses niya. 

I don't care if it hurts, 
I wanna have control,
I want a perfect body, 
I want a perfect soul;


I want you to notice, 
When I'm not around,
You're so very' special,
I wish I was special;

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon