Four

1.9K 34 4
                                    

Four

Iba to

"Brad! Pumogi ka ah! May chix ka no?" bungad ni Dylan sa akin. Napailing na lang ako. Chix? Wala akong oras diyan. Aral muna bago chix. Hahahahaha

"Ulol. Pumogi ako dahil pogi talaga. Wala ng ibang dahilan."

"Ibang klase ka talaga papa Vin. Pahampas nga hmp." at hinampas nga ako ni Lance. Anong nangyari dito? Naglalad na ba?

"Hoy, tumigil ka nga diyan." Tinulak ko siya palayo at lumakad ako papunta sa upuan ko. Mahirap na no, baka akala bakla pa kami.

"Hindi mo ba nakayanan ang pagiging bakla ni Lance?" tanong ni Mikaela na katabi ko na pala ngayon.

Tinignan ko siya at tumango lang ako. Tinawanan lang niya ako. "Dare niya kasi yan, dapat maging bakla siya for one day. Ang saya no?"

"Masaya siguro kung hindi ako nilalapitan niyan." napailing na lang ako at tinignan si Lance na nasa pintuan at hinahawakan lahat ng pumapasok na lalaki. Kahit nga hindi kilala hinahawakan niya kung saan saan. Siraulo talaga to. 

"Oh sige, pili ka. Ako o si Lance?" napatingin ako kay Mikaela na seryoso ang mukha.

Napataas ang dalawang kilay ko sa tanong niya. "Uhmmm-"

"Joke lang no! Ikaw naman." Humalakhak siya at hinampas ako sa braso. Nakitawa na lang din ako sa kanya.

Alam ko naman na hindi joke yun. Hindi naman ako manhid. Naging kaklase ko na siya simula nung fourth year high school pa at hanggang ngayon na third year college na ako. Nasabi na niya ang nararamdaman niya para sa akin. Kami lang dalawa nun ang magkasama at hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagtapat sa akin. Gulat na gulat ako nun at hindi alam ang sasabihin sa kanya.  Alam kong walang pag-asa, pero mahalaga sa akin si Mika. Kaya naman pinipilit kong huwag siyang masaktan.

"Kumusta naman ang sembreak? Na-enjoy mo ba?" tinignan ko si Mika na ngayon ay nakangiti naman. Natural na maganda si Mika, walang halong bola promise. Morena, medyo bilog ang mata, maliit lang ang ilong niya kaya naman ang sarap kurutin, ang buhok niyang hanggang beywang, medyo maliit pero okay lang kasi babae naman siya. Pero minsan talaga, kahit na anong ganda ng babae kung wala ka talagang nararamdaman para sakanya, wala talaga.

"Natulog at kumain lang ako buong sembreak. Nagpahinga lang talaga ako. Ikaw?"

"Ahhh, kaya pala gumwapo ka kasi nakapag-pahinga ka na." Tumawa siya at napa-iling na lang ako habang natatawa sa kanya. "Ako, pinuntahan ko si mama sa Japan, kauuwi ko lang nung Sabado."

"Eh nasaan ang pasalubong namin?" Tumawa siya sa sinabi ko at umiling. Tapos bigla bigla may kinuha siya sa bag niya.

"Teneeeeeeeen! This is for you." Binigay niya sa akin ang kulay grey na t-shirt na may "アート" tapos sa ilalim niya ay may nakaparenthesis na "Ato".

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon