"Sige po tito! Kailan po ang start ng photoshoot?"

"Tatawagan na lang kita pag naideliver na yung mga products"

"Sige tito! Thank you!"

"Welcome.. Sige una na ako hija. Bye!"

------

Nandito kami ngayon sa mall ni Faye..
Tinawagan ko siya kanina pagkatapos naming mag-usap ni Tito Rude.. Wala lang parang ang boring kasi sa bahay.

"Sis! Punta tayo sa Department Store may bibilhin lang ako"

"Ano yun?" Sagot ko kay Faye

"Ihhh basta! Tara na"

"Okay"

Pagkarating namin sa DS. Hinanap niya yung bibilhan niya. Deeper Album pala ang bibilhin niya. Dipa agad sinabi. Idol kasi ni Faye si Julie Anne San Jose. Kilala niyo? Yung ka-loveteam ni Elmo Magalona? Dati....

"Ahhh, kaya pala excited bumili"

"Yahhh! Omg, may deeper album na ako. Waaaaaa! Ang ganda ni Julie"

"Mas maganda kaya ako"

"Asa ka sis! Mas maganda siya"

Napa-oo na lang ako. Habang nasa counter kami binabayaran yung binili Faye...

May nagsalitang hipon.. Alla ba't may nagsasalitang hipon dito sa mall? Stacey The Bitch, The Hipon.

"Ohh look kung sinong nandito. Isang desperadang fan ni Jelo" pagsisimula niya sa akin

"Am I one of his fans? Never. Kaya kung mang-iinsulto ka lang dito, umalis ka na!" Sagot ko sa kanya.

Hipon talaga!

"Ba't mo ako paalisin? Eh dapat ikaw nga ang umalis eh. Di mo ba nakita yung nakasulat sa labas na No Pets Allowed?"

"Ah ganun ba. Hindi ko nakita eh. Kasi ang nakita ko lang kanina "No Hipon Allowed"

"Sis, tama na. Tara na lang!" Bulong ni Faye saken.

"Ayoko nga! Siya ang nagsimula kaya siya dapat ang umalis" sabi ko kay Faye

"Hipon?!" Sigaw ni Stacey

"Ay hindi mo alam ang hipon? Sige, siguro may internet ka naman diba? Isearch mo na lang sa google"

"How dare you to call me that way! Wag mo akong tatawaging hipon kasi alam kong maganda ako"

Mayabang...

"Ay mahangin! Bakit biglang humangin dito sa mall?"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pati yung mga saleslady nagbubulungan na. Chismosa talaga

"Walangya ka talagang babae ka! Bitch ka" sasampalin na niya ako pero pinigilan ko siya...

"Don't you dare to touch my face with your fucking dirty hand, or else papaputol ko yan sa pating!" Sigaw ko at tinulak ko siya.. Buti nga sa kanya..

Hinigit ko na si Faye at kinaladkad bago pa makapagsalita ulit yung hipon na yun.

Nakakbadtrip na siya ah. Nanahimik yung tao tapos susugod-sugod siya.

"Ang galing mo dun ah sis! Idol!" Sabi ni Faye, nang-iinsulto ba siya?

"Shut up! Pwede manahimik ka?"

"Oops! Sorry naman" sabi ni Faye at tinaas niya pa ang dalawang kamay niya na para bang suko na talaga siya.

"Uwi na nga tayo! Badtrip!" Sabi ko at lumabas na kami

------

Pagkadating ko sa bahay, nagpalit agad ako at humiga sa kama. Nakakainis na silang dalawa! Magsama sila! Sarap patayin!

Jelo + Stacey= RIP

Ang ganda! Bagay! Hahaha

Ring...ring...ring...

Tinignan ko yung phone ko at may tumatawag na unregistered number. Sino naman kaya ito? Para malaman kung sino agad ko itong sinagot.

"Yes, Hello? Do I know you?"

"Sungit. Hi Alexa!"

"Don't call me Alexa! Who are you?" Parang alam ko na kung sino 'to!

"Bakit? Maganda kaya ang Alexa"

"Hoy Jelo! Walangya ka! Saan mo nakuha ang number ko?" Paano niya kaya nakuha? No way!

"Mayaman ako."

"And so?" Non-sense answer

"Yun yung sagot. Ang slow mo lang kung hindi mo naintindihan"

"Wala akong pake! Wag mo na akong tatawagan!" Sigaw ko sakanya. Mabingi sana siya. Binaba ko na at agad pinatay yung phone ko.

Pls sana wag na siyang tumawag pa..

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now