Chapter 27

2.6K 65 1
                                    

Chapter 27

Friendship



"CONGRATULATIONS, Mrs. Versalius!"malapad na ngumisi saakin si Aaron sabay halik sa pisngi ko."Sabi sayo e! Sugal lang ng sugal hanggang sa manalo na!"he chuckled.

Natawa naman ako at napatango."Thank you."

"Wala iyon! Ikaw pa ba?"he winked at me.

"Thank you, Aaron for everything. You are always there for me. Hindi mo ko iniwan."

"Pamilya kita e. Hindi ko ugaling abandonahin ang pamilya ko. Mas naging pamilya ko pa kayo ni tito kaysa sa totoo kong pamilya."mahina siyang tumawa at napailing."Masaya ako na nakikita kitang masaya. Iyong totoong masaya ah. At syempre masaya ako na buo na ang pamilya ni Grey."tumango siya saakin at tinignan ang anak ko na karga-karga ni Greg. He's talking with his parents.

Napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na ito, na makakasal kami ni Greg at mabubuo ang pamilya ko.

"Mrs. Versalius!"

Napalingon ako sa tumawag. Sila Speed.

"Congratulations!"he chuckled."Mrs. Versalius. Sa wakas!"

"Salamat."nginitian ko sila.

"Ah, Raze?"nilingon ko si Eron. Seryoso ang mukha niya kaya akala ko ay kung ano na ang itatanong niya."Bakit wala ng lumpia?"sumimangot siya.

"H-Huh?"napanganga ako sa tanong niya.

"Ang yaman yaman ni Greg pero naubusan ng lumpia? Magbabalot sana ako kaso ubos na pala."napailing siya at parang nalugi.

"Gago!"mahinang sabi ni Aries sakanya at binatukan ang kaibigan.

Napailing na lang ako kay Eron. Pagkatapos ay nawala ang ngiti ko ng pagharap ko ay nakita ko si Sabrina.

"Sabrina..."

"Can we talk?"pagkatapos ay nilingon niya sila Aaron."Iyong tayong dalawa lang sana."pagkatapos ay muli niya akong tinignan.

"Ah. Sige."tumango ako sakanya.

"Raze."hinawaka ako ni Aaron."Baliw kana ba? Bakit makikipag-usap ka pa diyan?"

"It's okay. Gusto ko din siyang makausap."I nodded at him to assure him that I'll be fine.

Pero nanatili pa din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I won't hurt her."si Sabrina."I just really want to talk to her in private."

Doon lang lumuwag ang pagkakahawak ni Aaron sa kamay ko pero hindi niya ako binitawan kaya ako na mismo ang nagtanggal na kamay niya na nakahawak saakin.

"Babalik din ako. Pag hinanap ako ng mag-ama ko sabihin mo na may kinausap lang ako saglit."marahan akong ngumiti, tinanguan ko silang apat bago umalis na at sinundan si Sabrina.

Nang huminto si Sabrina sa paglalakad ay napatigil din ako. Humarap siya saakin. Akala ko ay susumbatan niya ako o aawayin niya ako kaya laking gulat ko ng kinuha niya ang dalawang kamay ko pagkatapos ay lumuhod sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko at saglit na naestatwa pagkatapos ng magrehistro saakin ang nangyare ay agad ko siyang dinaluhan para patayuin.

"SABRINA!"

Humagulgol siya pag-iyak ng inalalayan ko siyang tumayo. She's trembling. Nawala ang composure niya kanina noong lapitan niya kami.

"I-I know I've hurt you so much. I know  I've been a bitch to you."humihikbing sinabi niya."Pero hindi ko alam na ganoon pala kahirap ang dinanas mo sa kamay ng magulang ko. Nawalan ka ng ama ng dahil sa magulang ko. At ako...muntik ko ng kuhanan ng ama ang isang inosenteng bata. I didn't know. Kung alam ko lang na buntis ka at may anak kayo ni Greg I wouldn't push myself, I'll stop chasing him. I'm a bitch I know. But I'm not a home wrecker. I'm sorry, Raze. Alam kong malaki ang kasalanan ng pamilya ko sayo at hindi ko hihingin na patawarin mo kami agad pero sana balang araw mapatawad mo kami. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ng magulang ko sayo. I'm sorry. Kung alam ko lang lahat ng iyon..."hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil muli nanaman siyang humagulgol.

UntamedWhere stories live. Discover now