Chapter 24

2.3K 63 0
                                    

Chapter 24

Unite


"T-Tito..."gulat na bulalas ko ng makita sa labas ng mansion ng mga Versalius ang buong angkan ng mga Riveza.

Hindi ko alam na umuwi pala sila sa pilipinas? At kasama nila sila grandpa at grandma?

"Pasensya kana, Grace kung bigla kaming sumulpot dito."napakamot sa ulo si tito Pret."Surprise sana ito kaya sana ay hindi magalit ang fiance mo...at ang pamilya niya?"bahagyang sumilip sa loob si tito.

"Pret Riveza."napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko.

Andoon ang mga Versalius. Napalunok naman ako at nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang pamilya. Malaki at tumagal ang hidwaan ng mga Versalius at Riveza ng ilang taon kaya nasisiguro ko na gulo ang susunod ngayon...

"Lolo Pret!"biglang lumusot at sumulpot ang anak ko galing sa mga Versalius at patakbong lumapit kay tito Pret Riveza. Agad naman siyang binuhat ni tito Pret.

"Gregorio."lumapit si lolo kay Mr. Versalius.

Nagulat ako at saglit na natigilan noong inilahad ni lolo ang kamay niya kay Mr. Versalius.

"It's been a long years."dagdag pa ni lolo.

Mas nanlaki ang mata ko at gulat na napatitig sakanilang dalawa ng tanggapin ni Mr. Versalius ang nakalahad na kamay ni lolo.

"Chevalez Riveza."

Mahinang tumawa si lolo."Sana ay hindi mo masamain ang bigla naming pagpunta dito ng pamilya ko. Nabalitaan ko kasi kay Lar na nagpropose na daw ang ama ni Grey kay Grace. Hindi ko gustong mapalampas ang party na ito."

Mr. Versalius smirked. Maya-maya pa ay nagulat ako ng mahinang binatukan ni Mr. Versalius si lolo.

Lahat kami ay nagulat dahil doon. Pero maya-maya lang ay humalakhak si lolo at si Mr. Versalius.

"Ilang taon mong pinabayaan ang anak mo at pinahirapan ang kaibigan ko."Mr. Versalius said.

Bumuntong hininga si lolo na para bang nagsisisi ito sa ginawa.

"Alam ko, Gregorio. Alam ko. Kung mababalik ko lang ang panahon na iyon hindi sana ganoon ang nangyare. Kaya ngayon ay bumawi ako sa anak nila at sa anak ng apo ko. Ngayon ay itatama ko ang mali ko. At sana..."lumingon siya kay Greg."Nakatulong ako upang mapakulong ang totoong may kasalanan sa pagpatay sa ama ni Grace."

Greg nod politely at grandpa."Yes, sir. You've been a big help to us."

Marahang ngumiti si lolo at bumaling saakin.

"Grace..."tawag nito saakin.

Kahit naguguluhan ako sa nangyayare at sa nakikita ay lumapit ako kay lolo.

"You're father is a good man. Hindi man ako payag noon na magpakasal sila ng ina mo ay pinatunayan niya saaking kaya niya kayong buhayin. Your parents raised you well, Grace. Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sa magulang mo."

"L-lolo..."

Malungkot na ngumiti saakin si lolo."Patawarin mo ko, Grace. At nagpunta ako dito para tuldukan na ang hidwaan sa pagitan namin ng mga Versalius. Ayokong bigyan ka ng problema dahil lang sa alitan namin ng pamilya ng mapapangasawa mo at ang ama ni Grey."

"Hindi na po kayo galit kay papa, lolo?"Grey asked innocently.

Grandpa smile genuinely at my son and shooked his head.

"Okay na po ba kayo?"tanong ng pinsan ko.

I have a cousin in my mother's side.

"Puwede po bang pumasok? Gutom at ngalay na ngalay na po kasi ako e."tila walang hiyang sinabi nito sa mga Versalius. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

UntamedWhere stories live. Discover now