Chapter 8

2.5K 81 0
                                    

Chapter 8

Jealous

"O? Nasan si Greg? Guys! Nakita niyo si Greg?"Speed asked us when we're ready to go back. Tinignan ko nga ang mga kasama ko at wala doon si Greg.

"Huh? Saan pumunta iyon?"nagtatakang tanong ni Aries at nagpalinga-linga.

"Hindi ba kausap mo kanina, Speed?"tanong ni Eron sabay lingon kay Speed. Tumango naman si Speed at kumunot ang noo na tila nag-iisip.

"Oo. Pero may tumawag kasi saakin kanina at hindi steady ang signal kaya umalis ako saglit."paliwanag niya.

"Maggagabi na. Maliit lang ang probinsya ng Porbes pero kung dayo ka maliligaw ka pa din."Aaron told.

Mas lalo akong nag-alala sa sinabi ni Aaron. Where the hell is Greg!? Nadagdagan pa ang pag-aalala ko ng biglang umulan kaya dumilim ang kalangitan. Sumilong kami sa labas ng Ice Cream Parlor. Pero hindi ako mapakali.

"Hahanapin ko ang kasama niyo. Hindi lang iyon ang inaalala ko. Noong nakaraan inabisuhan kami ng police na may nagtatago daw dito na magnanakaw na taga ibang bayan at hindi pa nahuhuli. Hindi ko alam kung nahuli na ba nila iyon ngayon. Halatang taga syudad pa naman ang kasama niyo..."ani Vince sa nag-aalalang tono.

Narinig ko ang sigaw at pagtawag nila ng sumugod ako sa ulan at nagtatakbo.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Greg. Pero maliit lang naman ang Porbes kaya siguradong makikita ko siya kahit suyudin ko pa ang buong lugar. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang natataranta akong naghahanap sa kung saan-saan kay Greg. May mga nakasalubong ako na suki sa resto ni Vince na nagtataka kung bakit nagpapaulan ako at nagbakasakali ako na baka nakita nila si Greg pero hindi. Hanggang sa makasalubong ko ang grupo nila Cross. They are the young aspiring racing driver dito sa porbes. Hindi pa talaga sila nakasali sa totoong competition pero iyon ang pangarap nila. They are two years younger than me. Bukod kay Vince ay nakilala ko din ang grupo nila  Cross.

"Ate Grace!"lumapit ito saakin at nakipag-apir ganoon din ang mga kaibigan.

"Cross, may nakita o nakasalubong ba kayo na lalaki? Dayo."tanong ko.

Nagkatinginan silang magkakaibigan bago tumango si Cross.

"Si Gregory Versalius ba?"he asked. Kumikislap ang mata sa paghanga ng banggitin niya ang buong pangalan ni Greg.

Nagulat ako na kilala niya si Greg pero dahil pangarap ni Cross ang maging isang racing driver baka si Greg ang idol niya?

Agad akong tumango sakanya at kaunting nakahinga ng maluwag ng malaman na may nakakita kay Greg.

"Oo nakita ko siya nasa batis hindi nga ako makapaniwa---"hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Cross at tinapik na ang balikat niya at nagmamadaling tinahak ang daan papuntang batis.

What was he thinking? Batis?

Nang matunton ko ang batis ay nakita ko doon si Greg paahon na siya nang mahinto sa kinatatayuan ng magtama ang mata namin.

"GREG!"takot na tawag ko sakanya at nagmamartsang lumusong papunta sa tubig.

"R-Raze, what the hell! Basa ka. Anong ginagawa mo dito?"he looks shock to see me.

Sa halip na sumagot ako ay niyakap ko siya. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay nandoon sa yakap ko. I am scared, worried, angry. Halo-halo na.

"I'VE BEEN LOOKING FOR YOU!"kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya at galit siyang tinignan."Bakit hindi ka nagpapaalam? May kasama ka, Greg!"

He snorted."Yeah right. Hindi mo naman ako kailangan hanapin. I'm not a fucking kid hindi ko kailangan magpaalam, Grace."he said my name bitterly. I was taken aback because of his tone. Anong problema niya?

UntamedWhere stories live. Discover now