Chapter 5: 24/7 body guard

Comincia dall'inizio
                                    

"Ewan ko sa lalaking yun.." sinundo nya ako kanina pero pag katapos nun hindi ko na sya nakita pa

pero teka wala si atom..

Eto na kaya yung pag kakataon para makasama ko naman si Kuya Jim? miss na miss ko na kasi sya eh  

pero baka naman kasi mahuli kami ni Atom ayokong magalit sya hindi dahil takot ako sa kanya ayoko lang na magalit sya at sabihin nya yung mga nalalaman nya siguradong yari kami pag nag kataon..

napatingin ako sa cellphone ko nag text kasi si kuya jim sabi nya he miss me so much..

nag reply ako na I miss him too..

grabe sobrang torture na talaga tong ginagawa sa amin.. 

naiinis ako kasi pinag lalaruan kami ni Atom at sa totoo lang wala syang karapatan na gawin sa amin yung ganitong mga bagay dahil hindi nya kami pinapalamon! at wala syang kinalaman sa buhay namin! wala!

"Mara alis muna ako may pupuntahan lang ako.." tumayo ako para mag paalam sa best friend ko 

"Okay.."  

nag lakad ako patungo sa office ni Kuya Jim..

hindi na ako matatakot kay Atom! dahil simula sa araw na to hindi na nya kami ma co-control pa!

pag katok ko sa office nya agad nyang binuksan yun! halatang nagulat sya na makita ako 

"Ella.. anong ginagawa mo dito?" 

"Pwede ba akong pumasok?" 

"Wala bang nakakita sayo?" siguro yung tinutukoy nya ay kung wala bang nakabantay sa akin 

"He's not around.." 

My loverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora