LJT 079

2.4K 136 33
                                    

Messenger
March 23

Tatlong Bibe 🐥

Mau
Kawawa ka naman, Mareng Jem. Dalawang taon ka pa palang malalayo kay Bebe Rus. 😂

Jem
Tawang-tawa ka pa. Hype ka talaga, 'no? 😒

Tali
Grabe naman, besh! Are you okay with waiting for Rus for another two years? 🥺

Jem
Oo naman. Kahit nga gawin pa 'yang ten years.

Mau
Yes naman! Babae ka na talaga, Jeremy! 👏🏻

Jem
Minsan talaga, masarap ding pumaslang ng mahaderang bakla, 'no? 🙄

Mau
HAHAHA
Grabe naman 'to, paslang agad? 😂

Mau is typing...

Pero mare, na-realize ko lang. 'Di ba, kaya lang naman pumayag si Bebe Rus na maging exchange student ay dahil ginusto na niyang magpakalayo-layo sa'yo after mo siyang paniwalain na wala siyang pag-asa sa'yo?

Jem
Oo, bakit?

Mau
So kung hindi mo ginawa ang kagagahang 'yon, e 'di sana, hindi nag-fly away to Rhode Island si Bebe Rus. Hindi rin siya mae-encourage to pursue his graduate studies there for another two years. Therefore, ikaw rin ang may kasalanan kung bakit miserable ka ngayon. 😂

Jem
Pota. Oo nga. 😩

Mau
Moral of the story: 'wag gumawa ng kagagahan dahil ikaw rin ang magsisisi sa huli. 🤣

Tali
Stop it, Mau. You're just making Jem feel worse. 😒

Jem
Pero may point naman kasi talaga si Mau, besh. This is all my fault. 😭

Tali
Perhaps, but don't you think it's for the best, though? I mean, if it weren't for him being part of the student exchange program, Rus would've never met his grand-uncle. So that's thanks to you too, Jem. ☺️

Jem
Sabagay. Buti pa si Tali, pinapagaan ang loob ko! Impakta ka talaga, Maurice Arbonita. 😠

Mau
Haha! Real talk lang ang sa akin, mare. Pero okay na rin 'yang magkalayo muna kayo ni Bebe Rus. Malapit na kaya tayong mag-third year! I'm sure magiging demanding lalo ang studies natin. Iwas distraction na rin for you.

Tali
Indeed. At lalo na kapag seniors na tayo. See? Everything works out for the best. ☺️

Mau
'Wag lang sana talagang ma-in love sa iba si Rus habang nandoon siya... 😝

Jem
Hindi ka titigil sa kakasabi niyan, ha Maurice Arbonita? 😠

Mau
Joke lang! Galit ka na naman agad, e. 😂

Mau is typing...

Si Rus pa ba, mai-in love sa iba? E patay na patay 'yon sa'yo. Kung nakita mo lang ang itsura niya noong sweet-sweetan tayo sa party ni Tali.

Tali
Haha, true! Kaya pala mukhang gustong pumatay ni Rus noong birthday ko. Grabe ka, Jeremy! You hurt him badly that day. 🙈

Jem
'Wag niyo nang ipaalala ang kagagahan ko! Tapos na nga 'yon, e. Binabalik niyo pa. 🙄

Mau
Para lang fresh sa'yo ang alaala, at nang hindi mo na ulitin. Dahil kapag hindi naging kayo ni Bebe Rus gawa ng kashungahan mo...

Tali
Ikaw ang sasalo kay Rus, Mau? 🙊

Mau
Oo! Dahil inagaw mo na sa akin si Kuya Tobi. Bruha ka, Italia! 😠

Tali
Haha! Sorry, Mau. Tobias Arbuez is mine. 💁🏻‍♀️

Jem
Asa ka namang patulan ka ni Rus, Mau. Baka sipain ka lang no'n palayo. 😂

Mau
Che. Kapag ako, nagkajowa, hu u kayo ni Tali sa akin. 😒

Jem
Aminin mo muna sa parents mo ang tunay mong pagkatao... 😜

Mau
Gusto mong barilin ako ng tatay kong pulis? Kapag ako, napatay no'n, ikaw ang unang-una kong mumultuhin! 🙄

Jem
Go lang, mare. Hindi naman ako takot sa multo. 😂

Seen by everyone

Let's Just TalkWhere stories live. Discover now