Jem Putspa. Sino na naman ang nagpalit ng pangalan ng GC natin? Ang lalakas ng trip niyo! 🖕🏻
Tobi Mag-backread ka, para malaman mo. 🤪
Jem Ayoko. Tinatamad ako. 🙄
Jem changed the group name to "Ibalik si Tobi sa Basurahan"
Tobi Hoy, bakit ako? Si Matt ang nagpalit ng pangalan ng GC natin! Siya rin ang salarin noong nakaraan! 🤣
Jem changed the group name to "Pakyu Matthew"
Matt HAHAHA Galit ka na niyan, Jeremy?
Jem Ikaw talaga ang least favorite kong kuya. Bwisit ka. 😒
Tobi Aray! Ako ang na-hurt para kay Matt. 🤭
Matt Ganyan naman 'yang si Jeremy. Hayaan mo, sa susunod, hindi na kita bibigyan ng travel allowance.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Jem Grabe, ang sensitive! Joke lang 'yan, si Tobias talaga ang least favorite kong kuya. 🤣
Tobi Touch move, Jem. Kay Matt na ang korona.
Gio Anong kaingayan 'to? Bakit si Matt na ang pinakaayaw mong kuya, bunso? Si Tobi 'yan last year, ah.
Tobi HAHAHA Oo nga! Galit na galit 'yan noong hindi ko itinama ang misconception ng ex ko na may kapatid akong bakla. Jeremy ang pangalan pero bihis-babae. 😂
Jem Pinaalala mo pa 'yan. Tapos eto naman ngayon si Kuya Matt, lagi akong sinasabihang ampon. Parehas lang kayong bwisit, e. 🙄
Gio changed the group chat name to "Team Arbuez"
Gio Wala nang magpapalit ng pangalan ng GC, ha? Nanggigigil na ang bunso.
Matt Okay, Tandang Gio. #RespectYourElders
Jem HOY HAHAHA
Tobi Bastos ka talagang klaseng kapatid, Matthew. Umayos ka nga! 😂
Jem Mga kuya, baka pala ma-late ako ng uwi mamaya ha?
Matt At bakit?
Jem Wow, strict. 😏
Jem is typing...
Dadalawin ko lang sina Mama at Papa after ng last class namin.
Matt Ah, okay. Gusto mo, samahan kita? Hindi pwede ngayon ang dalawang tanders, e. Busy 'yan pareho sa mga trabaho nila. Ako, maaga ang out ko mamaya.
Gio Maka-tanders ka naman sa amin ni Tobi, Matthew.
Gio is typing...
Tama 'yan bunso, pasama ka sa least favorite mong kuya.
Jem Haha, hindi na. Kaya ko na.
Tobi Sigurado ka? First time mo 'tong dadalaw sa puntod nila na wala kang kasama.
Jem Oo, sabing kaya ko na. Feeling ko naman, hindi na ako magbe-breakdown.
Matt Sige. Pero kapag nagbago ang isip mo at kailanganin mo ng kasama, text mo lang ako. Pupuntahan kita agad.
Jem Okay.
Jem is typing...
Miss na miss ko na sina Mama at Papa.
Gio Kami rin, bunso. Pero 'wag kang mag-alala. Nandito naman kaming mga kuya mo.
Tobi Tumpak. Kami ang bahala sa'yo. Willing akong bumili lagi ng napkin mo sa sari-sari store, kahit tinutukso ako ng tindera kung ako raw ba ang gagamit. 😂
Jem Haha, kainis! 😝
Matt At willing din akong tustusan ang pagta-travel mo, kahit ako ang least favorite mong kuya. 🥺
Jem Arte mo Matthew! Joke nga lang 'yon. Pantay-pantay lang kayo sa paningin ko, mga pogi pero bwisit kong kuya. 🤣
Gio Basta ako, sagot ko na ang cravings at gadgets ni bunso. 😁 Anong gusto mong pasalubong mamaya?
Jem BURGER AND FRIES FROM MCDO 😩
Gio Okay. Pero ano muna ang magic words para ituloy ko ang pagbili niyan? 🤔
Jem Salamat, Kuya Gio! 🤣
Gio You're welcome, bunso. 😉
Tobi So kami ni Matt, wala pa ring pasalubong?
Matt Kaya nga! Gusto rin namin ng McDo!
Gio
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.