LJT 064

2.4K 158 70
                                    

Twitter
December 09

Jem @JeremyIsAGirl • 5m
Okay, at least hindi na niya ako dinaanan na parang hangin lang. He actually nodded back at me when I said hello. 🥺
| Mau 🔒 @HelloMau • 3m
Replying to @JeremyIsAGirl
Nyeta, tuwang-tuwa ka na riyan? Tinanguan ka lang, e. Hindi ka pa rin naman talaga bati! 😝
| Jem @JeremyIsAGirl • 1m
Replying to @HelloMau and @JeremyIsAGirl
At least may progress na! 🙈
| Tali @ItaliaWen • 50s
Replying to @JeremyIsAGirl and @HelloMau
My God, Jem. Level up your game! 😂

••••

Messenger
December 10

Team Arbuez

Jem
Mga kuya, paano ba manligaw?

Matt
Ano? Pota, Jem. Bakit ganyan ang tanong mo? May balak kang manligaw?

Matt is typing...

Umamin ka nga, bunso. Tomboy ka ba, ha? May gusto kang ligawang babae?

Jem
Luh. Gusto mo, tanggalin ulit kita sa GC na 'to, Kuya Matt? Ang layo na agad ng narating ng imahinasyon mo. Hindi ako tomboy! 😑

Tobi
E bunso, kahit naman kasi ako, nagulat sa tanong mo. Anong meron?

Jem
E kasi, mga kuya... may kailangan akong suyuin. Nang bonggang-bongga.

Tobi
Sino naman 'yon?

Gio
Sino naman 'yon? (2)

Matt
Sino naman 'yon? (3)

Jem
Bagay na bagay talaga sa inyo ang tawag na "Tatlong Haring Gago". Puro kayo kalokohan.

Jem is typing...

Si Rus ang kailangan kong suyuin. Galit siya sa akin ngayon, dahil may malaki akong kasalanan sa kanya. 😖

Gio
Hala ka!

Tobi
Hala ka! (2)

Matt
Hala ka! (3)

Jem
Salamat sa pagiging helpful niyo, ha? 😒

Tobi
Akala ko ba, friends lang kayo ng bro mo? Tapos ngayong nagulat kami dahil may ligawang magaganap, nagtataray ka.

Matt
Totoo. Ano ba kasi talaga ang namamagitan sa inyo, ha bunso?

Jem
'Wag na kayong mag-usisa, mga kuya. Basta, tulungan niyo na lang akong mag-isip kung paano mawawala nang tuluyan ang galit sa akin ni Rus. 🥺

Gio
'Yan ang problema sa'yo, Jem. Napaka-secretive mo masyado. Hindi mo naman kailangang i-report sa amin ang lahat ng mga nangyayari sa'yo araw-araw, pero kapag mga ganitong sitwasyon na, sabihin mo sa amin ang buong kwento. Your being vague will do you more harm than good in the long run, bunso.

Matt
Amen, Tandang Gio. 🙏🏻

Tobi
Gago ka talaga, Matt. 😂

Let's Just TalkWhere stories live. Discover now