LJT 032

2.6K 143 44
                                    

Messenger
September 27

Team Confidence 🙌🏻

Icarus
Mga kuya, may tanong ako.
Bakit ang hirap suyuin ng mga babae? 😪

Mikael
Hala. Nag-away ba kayo ni Ms. Blondie, bunso?

Icarus
Unfortunately, kuya.

Israel
Hindi pa man kayo pero may LQ nang nagaganap. Grabe naman 'yan, bunso.

Icarus
Bakit, ganyan din naman kayo ni Ate Genie dati, ah? Sabi niya sa amin ni Ate Leigh, araw-araw na mainit ang ulo niya sa'yo dati. 😝

Lewis
Saang parte ng katawan mo tumama ang balang pinakawalan ni Rus, Israel? 😂

Israel
Gago. Pero hindi nga ako nakailag, haha!

Israel is typing...

Ano bang pinag-awayan niyo ni Jem, bunso?

Icarus
Sineen ko siya.

Mikael
Ah, no wonder why you're fucked. That's equivalent to a mortal sin for women. 😂

Lewis
Bakit mo naman kasi siya sineen, Rus? Kahit ang Ate Sim mo, ginigiyera ako kapag ginagawa ko 'yan sa kanya.

Icarus
I've said something embarrassing to her, kuya. And I didn't know how to take it back, so I sort of left her hanging instead.

Israel
Damn. What exactly did you tell her?

Icarus
A hint that I like her.

Aaron
Well, shit. Kaka-online ko lang, at nasaktuhan ko pang nasa juicy details na tayo ng kwento. Congrats, Rus! Nagkalakas-loob ka na palang umamin kahit paunti-unti.

Icarus
That's the thing, Kuya Aaron. Wala pa naman talaga akong planong umamin. Nadulas lang ako. I shouldn't have said that. 😭

Zyrex
Hey, guys. I just went online too.

Zyrex is typing...

Stop fussing about that unexpected hint, Rus. Wala ka na namang magagawa dahil nasabi mo na. So, ano 'yon, after mong nadulas at nahalata niya, hindi mo na siya nireplyan?

Icarus
Yes. And now she hasn't talked to me for two weeks already.

Israel
Two frickin' weeks? Haha! Grabe naman palang magtampo 'yang napupusuan mo, bunso. Pinag-eeffortan mo naman ba talaga ang panunuyo?

Icarus
Siyempre naman, kuya. Butas na nga ang bulsa ko kakabili ng mga paborito niyang pagkain. At araw-araw ko naman siyang sinusubukang kausapin. Sa school, sa chat... pero wala pa ring talab. Parang kailangan ko pa yatang lumuha ng dugo bago niya ulit ako batiin. 🥺

Mikael
Grabe nga ang mga babae, 'no? Kung magalit, akala mo mga ipinaglihi talaga sa sama ng loob. Ang gagaling magkimkim!

Israel
Buti na lang, ang baby Genie ko, chocolates lang ang katapat. 😅

Israel is typing...

Ganito na lang, bunso. May kilala ka bang pwede mong pagtanungan tungkol sa weaknesses ni Jem? A close friend of hers, perhaps? Baka matulungan kang mag-isip kung paano ka ulit mapupunta sa good side ng bro mo.

Icarus
Oh. I haven't thought of that.
Thanks, kuya. 🙃

Lewis
So may kilala ka ngang iba niyang kaibigan, bunso?

Icarus
There's this girl named Italia... I noticed that she's always commenting on Jem's photos and posts. I don't know her personally, but I'm pretty sure the two of them are best friends.

Zyrex
Nice one! Best friends usually know each other's intimate details.

Icarus
Sana lang, mas approachable si Italia kesa sa best friend niya. Grabeng pagsusungit ang inabot ko kay Jem noong mga naunang chat namin, e. 🥴

Aaron
Don't worry, ipagdadasal ka namin. Nawa'y makipag-cooperate sa'yo si Italia at nang batiin ka na ni Jem.

Israel
Shit, Felipe. Marunong ka palang magdasal? Nagulat ako roon, ah. 😝

Aaron
Mas nagugulat ako kapag nakakapasok ka sa simbahan nang hindi nasusunog, de la Torre.

Zyrex
Burn, Israel! 🤣

Mikael
HAHAHA
#DemonyoInTheHouse 😈

Lewis
Pangalawang bala na ang tumama sa'yo, Israel. Buhay ka pa ba? 😁

Israel
Tangina. Inaaway niyo ako! Rus, my baby bro, ipagtanggol mo ako. 😩

Icarus
Sorry, Kuya Israel. Outnumbered tayo. 🙈

Seen by everyone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seen by everyone

Let's Just TalkWhere stories live. Discover now