Chapter XXV

50 1 0
                                    

"PALAWAAANNNN"

sigaw ko ng makarating kami sa Puerto Prinsesa.

Napagpasiyahan kasi naming magbakasyon dito ng isang linggo para naman makapagpahinga rin si Rovic mula sa kaniyang trabaho.

Dumiretso kami sa hotel at kumain muna. Halos hindi na kami umalis sa dining dahil sa sarap ng mga seafoods na inorder ni Rovic.

"Ah" aniya na sinasabing ibuka ko ang bibig ko saka niya isinubo sa'kin ang binalatan niyang giant lobster.

"Sarap loves, try mo din 'to". sabi ko saka isinubo sa kaniya yung malaking sugpo.

"Grabe ang sakit na ng tiyan ko". Natatawang sita niya sa sarili ngunit patuloy pa rin ang pagnguya.

"Tigilan mo na kasi ang pagkain".

Utos ko na ikinanguso niya.

"Loves?" nakangising tawag niya sa'kin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay "May ipapasubo ako sa'yo, pero hindi siya seafoods". Dagdag niya saka kumagat sa labi.

Dagli ko naman siyang pinangdilatan.

"Rovic!" singhal ko ngunit tumawa lang siya nang tumawa.

"Eto kasi oh!" tumatawang aniya saka itinaas ang hawak na graham balls.

"Bwisit ka!" natatawa ring singhal ko.

Matapos kumain ay nagpahindag lang kami saglit saka hindi na nagsayang ng oras at dumiretso sa may pangpang.

"Ano loves? Okay ba?" tanong niya saka kami naupo sa buhanginan

"Okay naman lahat basta ikaw ang kasama". Sagot ko saka sumandal sa balikat niya habang pinapanood ang sunset.

"Love, alam mo para kang sunset". nakangiting banat niya

"Bakit na naman?"

"Kumakalma kasi ako kapag tinititigan ka".

Bakit ba ang hilig hilig niya na sa pick up lines?

Bahagya pa tuloy akong napatakip sa mukha ko upang itago ang pamumula nito.

"Ikaw love, sunset ka ba?" tanong ko

"Bakit?"

"Ang sarap mo kasi titigan".

"Titigan lang?" ayun na naman siya sa husky voice niya habang nakakakagat sa labi.

"Bahala ka nga diyan! Puro ka kamayakan!". natatawang sumbat ko sa kaniya saka tumayo.

"Kunwari pa, nagpapamanyak naman!". pabulong na sabi niya, tuloy ay hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya "Aray! Loves naman?" Protesta niya ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin "bakit? Hindi ba tunay?" muling pang-iinis niya, ngunit nang akma ko na siyang babatukan ay nakatakbo na siya.

Naghabulan kami sa pangpang na para bang bata! At isang hagalpak na tawa ang nakuha niya sakin ng matisod siya sa bato at madapa sa buhangin.

"Sino ngayon sa'tin ang lampa ha?!" tumatawang pang-aasar ko.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now