Chapter XXIII

29 2 0
                                    

°°° 1 YEAR LATER °°°

"Love, una na ako ha, baka ma late pa ako sa trabaho" ani Rovic

"Sige, ingat" bilin ko saka ko siya hinalikan.

Agad na rin akong nagbihis at baka ma late din ako sa klase ko.

Baka nagtataka kayo? Si Rovic is di na siya nag aaral kasi nag mamanage na siya ng business nila. Wala naman kasi siyang mapagbibilinang iba e. Kaya naman no choice na siya.

*beep* *beep*

Agad kong tiningnan yung cp ko at nagtext nga si Asel na sabay na daw kaming pumasok, bumalik na rin ng States si Alexis gaya ng kagustuhan ng kaniyang magulang.

"Let's go?" Wika ni Asel ng makababa na ako.

"Sure".

" Par? Pede mo ba akong samahan mamaya?" Tanong ko

"Sure, saan ba?"

"Hahatiran ko lang ng lunch si Rovic, hussle daw kasi ang sched niya ngayon."

"Okay"

Totoo ay nalulungkot ako para kay Rovic dahil halos mawalan na siya ng oras sa sarili, late umuwi minsan pa ay hindi makakain sa sobrang abala.

"Uyyyyy saan tayo pupunta?"

Tanong ko nang bigla niyang niliko yung kotse niya.

"Wag na muna tayo pumasok, let's have a day off too"

Ayyy gagiii, buti nalang at naka free style kami.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Hindi na niya ako sinagot at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

After a minutes ay huminto kami sa tapat ng isang orphanage.

"Orphanage? Anong gagawin natin dito? Don't tell me mag aampon ka?"

"Kuya Aselllll" sigaw nung dalawang cute na batang babae at lalaki.

"Uyyyy, kumusta kayo?"

"Okay naman po kuya"

"Sino pong kasama niyo" sabay turo sakin nung batang lalakii

"Yan po ba yung sinasabi niyo sakin na mahal mo?"

Mahal?

Agad kong pinagkunutan ng noo si Asel, kinukuwestiyon ang sinabi ng bata.

"kayo talagang mga bata kayo"

"Ayieieie si kuya"

Pinapanuod ko lang sila habang inaasar si Asel, ang cute nila.

"Uyyy, kayo talagang mga bata kayo, ako nga pala si Leonard, bestfriend ako ng kuya Asel niyo"

"Ayy kaibigan lang? Akala ko kayo na yung mahal ni kuya Asel" sabay pout nung batang lalakiii

"Kyte, siya naman talaga ang mahal ko e"

Tumingin sakin si Asel at kumindat, sinamaan ko siya ng tingin saka binatukan!

Baka kasi kung anong isipin ng mga bata.

"Ayieie si kuya Asel, pero kuya Leonard? Mahal mo rin po ba si Kuya Asel po?" Tanong nung batang babae

Eh?

"Gusto niyo ba ng Ice cream?" Pag iiba ko ng topic.

"ICE CREAM! YAYYY opo, gusto ko po" sabay nilang tugon

Hayyy nakuu Ice cream lang pala ang katapat nitong dalawang to.

Binuhat ni Asel yung babae na Fiona daw ang pangalan at buhat buhat ko naman ay si Kyte.

"Kuya alam mo po ba bagay kayo ni Kua Asel, diba Fiona"?

" Opo, bagay na bagay po kayo"

Nagkatinginan kami ni Asel at napangiti nalang.

Sorry mga babies, pero may jowa na ang atihhhh niyo HAHAHAH

Matapos ang halos ilang oras na pakikipag kulitan kay Kyte at Fiona ay napagpasiyahan ko ng magpasama kay asel sa office ni Rovic para dalhan ito ng lunch.

Bumaba na kami ng kotse at saka pumasok sa office.

Gumamit na kami ng Elevator kasi nasa 6th floor siya.

"Asel? Pede bang ampunin sina Kyte?"

Tanong ko habang naglalakad.

"Hmmm, Bakit may balak ka?"

"Ang cute kasi nila ee, sarap iuwi"

"Mas masarap pag ako ang inuwi mo"

"Gagii ka talaga, sige diyan ka nalang ako nalang magdadala sa loob"

Bubuksan ko na sana yung pinto ng makita ko siyang hinalikan at niyakap ng isang babae, kitang kita ang saya sa mga mata nila.

Hindi ko maintindihan pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto ko silang sugurin pero di ko magawa, parang may pumipigil sa mga bagay na gusto kong gawin.

Sobrang sakit, Bakit? Dahil ba di ako sapat? Dahil ba bakla ako at babae yun?, di ko namalayang lumuluha na pala ako.

Bigla nalang nagdilim ang paningin ko ng biglang may tumakip sa aking mga mata.

"Lalo ka lang masasaktan kapag pinanuod mo pa sila"

Inalis ko yung kamay niya at agad binuksan yung pinto. Bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"Sorry, don't worry I'm not here to interrupt you, I just bring this lunch for you, sige una na ako"

Gusto kong puriin ang sarili dahil hindi ako pumiyok kahit kunting kunti nalang ay papatak na ang mga luha ko.

"Wait!, Let me explain"

"You don't have to, I saw it in my very own eyes, you love her? don't deny it I saw in your eyes how you enjoy what you're doing with that her!"

Ang galit na pilit kong kinikimkim ay hindi ko na napigilan pang sumabog.

"Hindi yun katulad ng iniisip mo"

I gave him a slap.

"Wag mo na akong gawing tanga pa at paikutin sa mga paliwanag mo, diba bakla lang naman ako? Anong laban ko diyan e babae yan"

Hindi ko na siya pinaimik at hinila na si Asel.

Di ko kaya, sobrang sakit.

I can swallow my pride to listen on his side. But not now. I must have a time to think.

It hurts. </3

Blinded LoveWhere stories live. Discover now