Chapter II

232 4 0
                                    

Leonard's POV

Nakita ko nang dumaan 'yong John Rovic na yun sa harap ng room namin at naalala ang ginawa kanina.

Haysttt kundi ka lang apo ng may ari ng school na'to, baka kanina pa kita nabatukan

Nakakainis kasi, kung sa kaniya yung table at ayaw niyang pakainan sa iba edi sana nakiusap siya ng maayos, eh sa hindi namin alam e. tsk

Itinuon ko nalang ang atensyon sa guro at matamang nakinig. Dalawang oras ang subject naming ito kaya saktong lunch na nang mag ring ang buzzer.

Hindi katulad kanina ay ako ang nag intay kay Russel ng kaunting oras, ika niya ay may hinabilin pa sa kanila ang guro kaya bahagya silang natagalan.

Sabay kaming pumunta sa cafeteria pero hindi katulad kanina ay pumwesto na kami sa may bandang likod malayo sa pwesto ni John Rovic.

Kinuha ko ang menu saka doon pumili ng lunch.

"Grabe ang sosyal naman ng mga pagkain niyo dito". Usal ko habang sinusuri ang menu

"Professional chief kasi ang nagluluto diyan, kaya wala kang makikitang ordinaryong foods dito, sa kabilang canteen meron".

"Hehe ang mamahal rin nila". Peke ang ngiting usal ko pa.

"I can pay it for you".

"No, no! Ako na 'to hehe, ito nalang ang sa'kin" turo ko pa sa pinakamurang meal.

"Wala ka nang idaragdag?" tanong niya habang tinitingnan rin ang binigay kong menu.

"Okay na iyan, hindi naman ako malakas kumain". sagot ko, totoo ay hindi naman ako pihikan, sadyang mahina lang ako kumain, mabilis din kasi ako mabusog.

"Okay, Order lang ako". aniya saka tumayo at pumunta sa line.

Bahagya pa akong nanibago, totoo ay victim ako ng bullying sa old school ko, hindi ko naranasang kumain sa canteen ng may kasabay dahil kung hindi nila itatapon ang foods ko ay lalaitin nila iyon. IBA ang tingin ko sa mga estudyante dito, animo'y lahat mature at lahat ng kilos ay may dahilan. Hindi nila pinapansin ang business ng iba, pero kapag tiningnan mo naman sila ay ngingitian ka. Gayun din kasi ang mga kaklase ko sa room, kaya kahit hindi nila ako pinapansin ay hindi awkward ang pakiramdam.

"Ah, Russel" tawag ko nang makabalik siya dala ang orders namin kasama ang isang staff.

"Asel nalang, friend na naman tayo diba?" kanina pa naman kami nagkakilala at naging magkaibigan pero hindi ko naiwasang ngumiti sa sinabi niyang iyon.

"Sige Asel, just wanna say thank you" senserong sabi ko habang tinutulungan siyang ayusin ang pagkain.

"For what?"

"Ahmm kasi tbh, ikaw palang naging kaibigan ko"

"Talaga?" Sagot niya pa sa namamanghang boses.

"Oo e, kasi alam mo victim ako ng bullying sa old school ko kasi nga daw bakla ako"

"Eh bakit kasi hinayaan mong buyuin ka nila? Don't get me wrong but you can tell them sa mga teachers".

"Pakiramdam ko kasi noon wala akong lakas nang loob na kapag nagsumbong ako ay lalo nila akong pag initan hindi lang sa loob maging sa labas ng school".

"I'm sorry about that".

"Okay lang". Sagot ko saka sinimulang kumain.

"Don't worry, bihira lang dito ang bully kaya makakapag aral ka ng maayos". nakangiting aniya saka rin nagsimulang kumain.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now