Chapter XV

37 2 0
                                    

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas nakarating na din kami. Agad kong sinalubong ng yakap si nanay, wala daw si tatay,  nasa bayan pa daw at namimili.

"I miss you nay" at lalong hinigpitan ang yakap.

"I miss you too nak, O siya pasok na kayo ng makakain na" sabi ni mama saka kami pumasok.

"Ako na diyan Rovic" agad ko namang kinuha  yung dala kong gamit. Pagkatapos kong ipasok ang mga gamit ay lumabas din agad ako.

"Ayyy nakuu anak, ang gugwapo naman ng kasama mo" biro ni mama, bahagya pa tuloy akong napangiwi sa kaniya.

"Nga pala ma, siya si John Rovic Stanford, the grandson of the owner of the school" ngumiti naman si Rovic.

"Hello po tita" sambit nito

"At eto naman po ang bestfriend par ko sa school, si Russel Lagan"

"hi po tita, nice meeting you po" at saka nakipag beso.

"Pasensiya na kayo ha, di kalakihan bahay namin, heheh pero always welcome kayo dito" saad ni mama

"Wala po iyon tita, ang cute nga po e" sagot ni Asel saka siya nginitian ni nanay

"Oh siya tara na sa hapag nang makakain na kayo at makapagpahinga" sabi ni nanay at nagtungo na nga kami sa hapag.

"Wow, adobo" bigkas ko na parang takam na takam.

"Siyempre 'nak niluto ko yan, paborito mo e" nakangiti niyang tugon.

"Ayyy nga pala ma, di ko nasabi agad, hehe Allergy si Rovic sa chicken" napatingin nalang ako kay Rovic saka kumamot sa ulo.

"Okay lang po, mahilig rin naman po ako sa sinigang na hipon" ngumiti siya at saka tinuro yung sinigang na hipon.

Habang kumakain, ay biglang dumating si papa.

"Uyyy, anak andito ka na pala" wika niya saka lumapit sakin at yumakap.

"Ehem, anak sino ba sa dalawang iyan ang iyong prinsipe?" Pabirong tanong ni papa na sadyang nagpa tameme sakin.

Noon pa man tanggap na ni papa kung ano ako at supportive sya pagdating sa lahat ng bagay, sinabi rin nya na hindi siya tututol sa desisiyon ko pagdating sa pag ibig.

"Ahhh 'Pa naman, friends ko lang po sila hehe kayo talaga" sagot ko.

At sabay sabay kaming tumawa.

Matapos kumain ay nagpahinga muna kami sa sala at doon muna nagkwentuhan.

"Uyyyy saan niyo gustong pumunta? sa  tabing ilog, o sa bukid?" Tanong ko sa kanila.

"Sa bukid" ani Asel

"Sa Ilog muna" ani Rovic

Hayst ito na naman sila e, bat ba lagi silang magkasalungat.

"What if mamingwit muna tayo ng isda?" Suggest ko.

"Sure" ani Rovic

"Sige na nga" si Asel na mukhang napilitan pa.

Kinuha ko yung mga pamingwit at pamain (baits) at nagsimula ng maglakad papuntang ilog.

"Marami bang isda dyan?" Tanong ni Asel nang makarating kami sa ilog.

"Oo naman, maraming tao dito ang nabubuhay ng dahil sa ilog na yan" paliwanag ko.

"Pwede rin ba maligo dito?" Tanong ni Rovic.

"Siyempre naman, kaso may kalaliman nga lang yan" sagot ko

"Ligo tayo mamaya ah?"

"Ok" sagot ko

Nagsimula na kaming mamingwit at di pa natatagalan ay nakahuli na ako.

"Wow, anlaki naman nyan" manghang sambit ni Asel.

"Palagi ka bang namimiwas dito?" Tanong ni Rovic

"Ahmmm, minsanan lang, pag maLungkot ako heheheh" I answered

Totoong ito ang ginagawa ko kapag malungkot ako, lalo na kapag binubully ako dati, dito ako tumutuloy upang mamiwas. Bukod kasi sa tahimik, ay sadyang nakakaaliw din talaga ang mamiwas ng isda.

Matapos kaming mamingwit ay napagpa syahan naming maLigo sa ilog.

"Uyyy, baka may salt water crocodile dito ha?" Tanong ni Asel.

"Duhh, sa tinagal tagal ko ng naliligo dito, wala pa kong nababalitaang may buwaya dito, pero since andito ka na, edi meron na HAHAHAH" pang aasar ko.

"Ahhh ganun ha?" Kunyare asar na aniya saka ako sinabuyan ng tubig.

At dahil ako'y nababaliw, heheheh may naisip akong plano.

Pumunta ako sa may bandang malalim at magkukunwaring malulunod.  I just wanna see their reactions.

Nagkunwari akong nadulas at saka kinaway kaway yung mga kamay habang sumisigaw ng 'TULONG'

Agad na lumangoy sakin papalapit si Rovic at dinala sa babaw,

Dahil di pa ako kuntento, nagkunwari akong nawalan ng maLay.

"What should we do now" alalang tanong ni Asel

Di ko sila makita kasi nga nakapikit ako, bigla akong napamulat nang biglang may lumapat na labi sakin, WT, si Rovic? >////<

His soft lips,

Pero teka? Diba mouth to mouth yung CPR e ba't lips to lips lang ginagawa nya?

Nagkunwari akong nagising na at sinabing ...

"IT'S A PRANK!"

biglang napalitan ng pagkapikon ang kanilang concern na mukha.

Ngunit sadyang ang awkwardness sa CPR kuno na nangyare ay hindi maalis sa sistema ko!.

Wth? I shouldn't have done this.

"Wag mo nang uulitin yun, kundi ako ang lulunod sayo! You don't know kung gano ako nag alala." inis niyang tugon

Tuloy ay nainis ako sa aking sarili dahil sa sariling katangahan! 

Pero hindi mawala sa sistema ko ang pakiramdam ng labi ni Rovic.

Gusto kong matawa sa paraan sana ng pag CPR ni Rovic ngunit baka lalo silang mainis sa'kin.

Tuloy ay hindi na kami nagtuloy pang muli sa paliligo, at napagdisesiyonan nang mauwi at magbanlaw.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now