Chapter VI

82 2 0
                                    

LEONARD'S POV

Maaga akong nagising at naabutang tulog pa si Asel, heheh ang wafuuu talaga ng kaibigan ko, napagdesisyunan ko nang bumangon at naisipang ipagluto sya ng makakain tulad ng sausage, itlog, spam at fried rice.

Habang hinahanda eh nagulat pa ako nang magsalita siya mula sa likuran ko.

"hmmm, sarap naman nga par" at saka inamoy yung mga niluto ko.

"Tsk, par?" Tanong ko

"heheh, as of now par na tawagan natin" napasang ayon nalang ako sa sinabi nya.

"Kain na" anyaya ko matapos ihain ang mga niluto.  "Ahmm, Par? Wala ka na bang ibang kaibigan?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

"Hindi kasi talaga ako palakaibigan e, pero may childhood friend ako na nasa States ngayon, naisipan kasi ng parents nya na dun na muna ito pag aralin" Nangiti pa ako dahil sa paghanga. "Bakit mo natanong" sabay inom ng gatas

"Ah, kasi buhat noong una ay hindi mo ako nakwentohan tungkol doon kaya na curious lang ako"
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at napagpasyahan na rin nyang umuwi pagkatapos dahil baka daw malate pa sya mamaya.

9:00 am pa ang pasok namin kaya tinawagan ko muna sina nanay para mangumusta, si Nanay lang ang nakausap ko dahil nasa bukid daw si tatay. Masaya ako dahil maganda raw ang ani nila ngayong linggo, pero tumanggi ako nang sabihin ni nanay na padadalhan ako dahil may ipon pa naman ako. Hindi ko na sinabi pa kay nanay ang nangyari kagabi dahil alam kong mag aalala lang siya.

Matapos makipag usap kay nanay ay nagsagot ako ng assignment saka iginugol ang natitirang oras sa pag lilinis. Matapos iyon ay naligo na rin ako at nagbihis tsaka naglakad papuntang school.

"Uyyy may rumble daw mamaya sa bakanteng lote dyan sa labas ng campus"

"Talaga? bakit at sino?"

"Panuorin nalang natin mamaya"

"Mga alas singko daw ng hapon"

Ilan lang yan sa mga bulong bulungan na narinig ko habang naglalakad sa hallway. Rambulan? Tuloy ay bahagya pa akong nangamba dahil baka gawin nga ni Asel ang banta niya kagabi. Tatawagan ko sana siya kaso ay baka may klase pa siya kaya pinalis ko nalang yun sa'king isipan at nagtuloy sa room.

Pagpasok ko sa room as usual naupo lang ako sa upuan ko at inintay yung prof namin, nagulat naman ako ng tumabi sakin si Matthew.

"Hi" bati niya

"hello"

"Gwapo ba ako?" Tsaka kumindat.

Kailangan ba talagang itanong ang ganoon pang bagay?

"Ahmm, oo naman" sagot ko at ngumiti.

"Naks! Hahah joke lang hehehe" nagkwentuhan lang kami ni Matthew at nakakabilib lang dahil isa pala siyang varsity player sa Volleyball, kaya naman pala fitted ang katawan niya.

Matapos ang klase pumunta ako sa cafeteria together with Matthew, wala e nagpumilit tutal naman daw wala siyang kasama. So ano ako option. Tssss

Russel's POV

Nagbell na kaya pumunta na ako sa cafeteria which is the place kung saan kami laging kumakain at nagtaka ako ng may kasama syang isang lalaki.

"Uy par! Andyan ka na pala" bati nya ng mapansin ako "BTW, he is Matthew Spencer at kung okay lang daw bang sumabay siya satin?" Pagpapatuloy nya

Blinded LoveWhere stories live. Discover now