Chapter VII

60 2 0
                                    

Leonard's POV

Hindi ngayon pumasok si Asel dahil sa nangyari gayo't alam kung masakit parin ang katawan niya.

Abala ako nayon sa pagbabasa dito sa room, may quiz kasi kami mamayang hapon.

"Mr. Lincoln pinapatawag po kayo ng SSG president sa kaniyang office".

Malamang dahil ito doon sa nangyare.

Hindi na ako nagtanong at naglakad nalang pasunod sa kaniya papuntang SSG office. Binuhay noon ang kaba ko dahil baka magka record ako. Isa iyon sa iniiwasan ko dahil baka maapektuhan niyon ang scholarship ko.

"Good morning president, pinatawag niyo daw po ako?" Mahinhin kong tanong at OO si John Rovic ang SSG Pres.

"Someone told me what happened yesterday sa may bakanteng lote, and the principal doesn't already know about that, you want me to informed them on what happened?" Paliwanag nya ng may pagbabanta. Kinabahan naman ako kasi baka ma kick out ako.

"But, pres, I'm not the one who started the trouble" depensa ko

"But you're still involved!"

"Please don't report it to the higher position, I'm begging you" pakiusap ko pa. Lalo pa akong kinabahan nang ngumisi siya

"Tss, I will not tell it to them, in one condition"

Grabe.

"Be my slave within this month" dugtong niya nang hindi ako sumagot na siya namang ikinagulat ko.

Slave? niya?! Eh hasos wala na nga akong oras sa sarili ko tapos aalipinin niya pa ako?

"But Pres--" di ko na natuloy sasabihin ko ng putulin nya ito

"Deal with it, or I'll tell it to the dean?"

Napabuntong hininga ako sa panlulumo, titiisin ko nalang keysa magkaroon pa ako ng record tutal 1 month lang naman kasi kapag di ko ginawa baka madamay pa pati si Asel.

"Starting tomorrow you'll be my slave, leave your number then you may go" Tiim bagang kong inilagay ang cp number ko sa cellphone niya, sa sobrang inis ay hindi ko napigilang  irapan siya bago lumabas.

Iniisip ko pa lang e nanlulumo na ako,  Ano kaya ang mga bagay na ipagagawa niya?

"Ang lalim yata ng iniisip mo" nagulat ako ng biglang sumulpot si Matthew

"Ah, wala naman iniisip ko lang kung okay na ba pakiramdam ni Asel" pagsisinungaling ko, pero totoo namang yun ang iniisip ko kaninang umaga bago ako ipatawag sa opisina jung tukmol. "Salamat nga pala kahapon huh, kundi dahil sayo baka bugbug sarado na kami" Sensero talagang usal ko

"That's nothing, just be careful nalang sa susunod" nakangiting sagot niya pa saka bumalik sa upuan niya.

PAGKATAPOS ng quiz namin sa hapon ay inaya ako ni Matthew na panoorin ko raw siyang maglaro, dahil wala rin naman akong gagawin na ay pumayag naman ako.

Habang naglalaro ay hindi ko talaga maiwasang humanga, ngayon lang kasi ako nakapanuod ng ganito kagagaling. Open Spiker ang pwesto niya kaya naman talagang umiingay ang mga nanonood sa t'wing papalo siya lalo na kapag hindi iyon na-dig ng kalaban.

"Ano? Ayos ba ang laro ko?" nakangiting tanong niya nang matapos ang laro at lumapit sa'kin habang nagpupunas ng pawis.

"Hmm, ang galing nga e". humahangang tugon ko

Blinded LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin