Chapte VIII

62 3 0
                                    

Leonard's POV

Lunch break and as usual sabay kami kumain ni Asel, nagtaka pa ako dahil iba yata ang aura nya ngayon, anong problema nito?

"Ayos ka lang ba?" Kapagkuwa'y tanong ko habang kumakain.

Tahimik kasi siya at tipid kumibo, hindi katulad kahapon o noong nakaraang araw na siya lagi ang nagbubukas ng topic.

"Ah, eh wala naman medyo tinatamad lang ako ngayong araw" pilit ang ngiting sagot niya, tuloy ay hindi ko maiwasang mag-alala.

"Okay na ba iyang mga pasa at sugat mo?" nag-aalala talagang tanong ko, naisip ko kasing baka iyon ang dahilan ng pagiging matamlay niya.

"Hmm" sagot niya saka tinuloy ang pagkain, nanibago tuloy ako. "about that, sorry nga pala. Pati ikaw ay nadamay pa". senserong aniya ngunit hindi na ata mawawala sa araw na ito sa kaniya ang katamlayan.

Hindi kaya nagi-guilty siya dahil doon?

No no, dapat nga ako ang maguilty e.

"Okay lang naman ako, ikaw nga yata itong hindi e". nakangiwi kong sita sa kaniya, tuloy ay agad niya akong tiningnan.

Pinatong niya ang dalawang siko sa mesa saka ipinatong ang kamao sa baba at deretsong tumingin sa akin.

"Look, Okay lang ako, pasensya na kung medyo matamlay nga ata ako may iniisip lang". Paliwanag niya saka matamis na ngumiti.

"Hmm, sige pero kung sa tingin mo kailangan mo nang masasabihan you can vent on me ha?"

Bahagya siyang tumayo para lang guluhin ang buhok ko, saka namin tinapos ang pagkain.

*beep* *beep*

Uwian na ngayon nang biglang mag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino yung nag text.

Unknown number:

Punta ka na dito sa CC, I'll wait you here.

Agad sumama ang mukha ki at napanguso dahil paniguradong si Rovic yun.

ano na naman kayang kailangan ng isang 'yun?

Naisipan kong dumaan nalang sa field para mas mapabilis, kung babaybayin ko pa kasi ang hallway ay mas tatagal.

"Bakit?" walang ganang tanong ko nang makalapit ako sa kaniya

"We have volleyball practice now, buy me some water and you'll wait for me" utos niya saka sumali sa warm up kasama ng mga teammates niya.

Is he just making fun of me?

Nakuyumos ko pa ang mukha ko saka nagsimulang maglakad patungo sa malapit na canteen.

Someone's POV

Nag wa-warm up na kami para sa practice ng dumating yung epal na Rovic na yun! At sino naman kaya yung kasama nya, tsss the hell I care. Aaminin ko oo naiinis ako kay Rovic kasi sya yung naging captain ball kahit bago palang siya dito sa kadahilanang MVP daw ito sa school nya dati nung high school, tsss bias lang kasi talaga sila palibhasa apo ng owner nito. Malapit na ang championship between Universities, and I'll make sure na hindi sya makakalaro!

John Rovic's POV

Matapos mag warm up ay agad kaming nagsimula maglaro. Dikit ang laban 15-17 ang score, kaya gayun nalang ang intense ng laro kahit friendly game lang naman ito.

Pumalo yung kalaban at di ko iyon na receive kasi masyadong mataas.

"Awwww" nagulat ako nang tamaan si Leonard ng bola at dahil lampa siya e bumagsak sya sa sahig.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now