Chapter XVI

34 1 0
                                    

Di pa rin ako maka move on sa halik ni Rovic. Para kasing may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko e.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakitang masayang nag kwekwentuhan sila mama at yung dalawa.

"Oh sige iwanan ko na muna kayo at baka masunog yung niluluto ko" sabi ni mama nang maupo ako sa sofa

*Phone Ringing*

Biglang nag ring yung phone ni Asel kaya lumabas ito para sagutin yun.

Kaya kami nalang ni Rovic ang natira dito sa sala. Tuloy ay muli akong nakaramdam ng pagkapahiya.

"Uyyy, okay ka lang?" Tanong ko, napaka seryoso kasi ng mukha.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Nag uusap na tayo diba?" Biro ko

Di na ako nakaimik nang hilahin nya ako sa bakuran namin.

Asel's POV

Tumawag sakin Si Alexis kaya naman agad ko iyong sinagot. Matapos ang pag uusap namin ay nakita ko yung dalawang pumunta sa bakuran, kaya agad ko silang sinundan.

Leonard : Ano bang pag uusapan natin?

Panay ang kamot ni Rovic sa ulo na animo'y hindi maisawika ang nais niyang sabihin.

Rovic : Ah kasiii. I just want you to know na, Gusto na kita.

WHATTT? ANO DAW? GUSTO NA NIYA SI PAR?

hindi nakasagot si par na wari'y kinikilig.

Rovic : Leonard? Pede ba kitang ligawan?

</3, Yeah, my heart broke into pieces, tama nga ang hinala kong may gusto rin siya kay par. Alam ko at pansin ko ring mahal siya ni par at walang dahilan para tanggihan nya yun.

Oo, Gusto ko rin si Leonard pero ano nga bang magagawa ko e kaibigan lang turing nya sakin.

hindi ko na tinapos yung pakikinig at umalis na.

Leonard's POV

My goshhh, anong isasagot ko? Oo gusto ko rin siya, pero alam ko ring napakaraming may gusto pa sa kaniya, I may have a lot of bashers and haters, but I love him too.

"Sige, you can court me" sagot ko na siyang gumuhit ng ngiti sa mukha nito.

"Yes!" Sambit niya, at saka ako niyakap.

Hayyy! I may be the luckiest person having a relationship with one and only JOHN ROVIC STANFORD <3

Blinded LoveWhere stories live. Discover now