Chapter III

154 7 0
                                    

"Okay class magkakaroon ng activity bukas ang buong BET-CT I 1-10 na tatawaging BET-CT day, We will have different activities/stations to be finished, you'll be grouped 10 members each and the grouping will randomly pick in every section since you're equally divided. And after that we will have search for Mr. and Ms. BET-CT 2020. So you must picked your candidate. The purpose of this activity is to unite you all guys together with other section. Strengthening good relationship can make a better change." Nakangiting anunsyo ni ma'am. Pagkatapos magsalita ni ma'am ay agad siyang tumingin sakin.

Agad na nag-usap ang buong klase para sa kukuning muse at escort. Maganda ang nakuhang muse, pero pinagtanggihanan ang pagiging escort.

"Leonard? Can I have a favor?" bahagya pang nangunot ang noo ko.

"Ano po iyon ma'am?"

"Could you be the one who will represent our section?" Kinabahan ako bigla

"What do you mean ma'am?" paglilinaw ko, kahit mukhang alam ko na iyon.

"I choose you to be an escort and represent our section" binigyan ko siya nang nag-aalangang tingin.

Maraming gwapo dito sa section namin kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ako pa ang napili ni ma'am.

"Don't worry ako nang bahala sa mga susuotin mo" dagdag niya pa animo'y nahulaan kung bakit nag aalangan ako.

"Sige po ma'am" nanghihinang sagot ko, nahiya na kasi akong tumanggi lalo at inako na niya ang susuotin ko.

"Talaga?" Manghang tanong ni Asel ng ikwento ko sa kaniya na ako ang napiling maging escort ng section namin.

"Oo nga e, kahit alam nyang bakla ako, hayst" I sighed

"Kaya mo yan, ikaw pa ba?"

"Tss".

Kinakabahan ako, bukod kasi sa kasarian ko ay hindi ako komportable dahil alam kong bukod sa mga gwapo ay mayayaman din ang makakalaban ko, which means sanay na sila sa mga ganitong laban. Pero dahil sinabi rin ni ma'am na okay lang matalo manalo ay wala na rin akong nagawa.

Maghapon tuloy naglayag ang utak ko, muli lang bumalik sa wisyo nang matapos na ang klase.

Nang makauwi ay agad kong kinuwento kina nanay at tatay iyon, natuwa sila tuloy ay napanguso ako. Malamang nga daw kung malapit lang sila ay kakausapin nila ang principal upang payagan sila manuod.

KINABUKASAN ay maagang pumasok lahat ng BET-CT students at lahat kami ay nasa covered court na kasi magsisimula na ang program.

"Sa tingin mo ba mananalo ka mamaya sa pageant? Nako! Ipapahiya mo lang section natin". Sabi ni Brendan na isa sa aking kaklase.

"Ano pa HAHAHA, baka nga kumembot pa sya dun sa stage e." Dagdag ni Niñel na kaibigan ni Brendan. Tumalikod nalang ako at di sila pinansin.

Buong akala ko ligtas na ako sa mga bully.

Tuloy ay bahagya pa akong pinangiliran ng luha at pinanghinaan ng loob.

"Okay ang lahat ay bubunot ng numero upang malaman kung saang grupo kayo dapat kabilang"

Agad kaming pumila upang makabunot sa box na hawak ng isang officer.

"Okay, lahat ng magkakagrupo magsama sama, lahat ng 1 dito sa left side, kasunod ay ang 2 and so forth." Agad ko namang tinungo yung place namin and luckily ka grupo ko si Asel.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now