Stanza 35: I Just Wanna Be Close To You

924 37 25
                                    


"Bakit ngayon pa nawalan ng cab? Arrgghhh! Asar! Asar! Asar!" Sigaw ni Apollo habang patuloy na tumatakbo at buhat buhat si Anna sa gitna ng golf course.

'Magiging okay ka Anna. Magiging okay ka.' Patuloy niyang panalangin sa kanyang loob kasabay ng pangingilid ng kanyang mga luha.

Patuloy sa pagtakbo ng mabilis si Apollo kaya kaagad niyang narating ang school premises pagkatapos takbuhin ang buong golf course. Kasalukuyan siyang nasa college building at may kalayuan pa rin ng kaunti ang clinic mula sa lugar na kanyang tinatakbuhan.

"TABI! TUMABI KAYO!" Sigaw niya sa lahat ng mga taong nakaharang sa kanyang daraanan.

Kaagad namang tumabi ang lahat ng nasa pasilyo pagkarinig at pagkakita kay Apollo na buhat buhat si Anna.

'Bakit ba kasi nakakalat sila sa labas? Kainis! Wrong timing! Mga pampatagal!' Inis niyang pagtatanto sa lahat ng taong kanyang nasasalubong.

Patuloy na tinatahak ni Apollo ang mahabang pasilyo ng college building ng masalubong niya si President Wilson na halata ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Mr. Guiller what's going on here?" Tanong ni President Wilson habang pasalubong sa kanyang daraanan si Apollo. Pero, imbis na huminto ay hindi pinansin ni Apollo ang tanong niyang iyon at patuloy na tumakbo ng mabilis papunta sa clinic.

"Mr. Guiller! Mr. Guiller!" Pasigaw na pagtawag ni President Wilson sa kanya.

'Arrrrggghhh. Wag ninyo muna tawagin ang pangalan ko!' Sigaw ni Apollo sa kanyang loob loob nang makalayo layo na siya sa kinatatayuan ni President Wilson.

"Nalaglag mo yung cellphone mo Guiller!" Sigaw ni President Wilson mula sa malayo na siya namang hindi narinig ni Apollo.

Dinampot ni President Wilson ang cellphone ni Apollo at saka tumingin sa direction na dinaanan nito. Bigla siyang ngumiti at kinuha ang kanyang cellphone upang tumawag.

"Kakasalubong ko lang sa kanila... Papunta na sila diyan. I guess Allison did her job very well." Nakangiti si President Wilson habang kausap ang tao sa telepono.

'Well, everything is going according to her plans.'  Wika ni President Wilson saka naglakad pabalik ng kanyang opisina habang hawak hawak ang cellphone ni Apollo.

'Hold on Anna. Malapit na tayo.'  Pagsusumamo ni Apollo sa walang malay na si Anna habang nakatingin na sa high school building kung saan matatagpuan ang school clinic.

"TABI! TABI!" Sigaw muli ni Apollo sa mga nakaharang na estudyante sa kanyang tinatakbuhang pasilyo.

"Gasp!"

"Aaaaah!"

"Ano ba 'yan?" Sabay sabay na sigaw ng mga estudyante pagkakita sa humahangos na si Apollo. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at tumuloy tuloy pa rin sa pagtakbo.

"Asar! Bakit ang daming haraaaaaa..... SHIT!" Sigaw ni Apollo ng biglang matanggal ang kanyang sapatos sa kanang paa dahilan paraa ma-out of balanace siya. Muntik na silang masubsob dahil doon.

Dug dug dug dug dug dug!

Napahinto siya sandali at huminga ng malalim sa sobrang kaba na kanyang naramdaman. Kung hindi niya nabalanse ng husto ang kanyang katawan ay unang babagsak si Anna na maaari pa lalo nitong ikapahamak.

'Relax Apollo. Relax...' Sabi niya sa kanyang isip habang pinapakalma amg sarili.

Pagkatapos huminga ng malalim ay inayos niyang muli ang pagkakabuhat kay Anna at sinigurong nasa maayos itong kalagayan saka siya tumuloy sa pagtakbo.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon