Stanza 38: Dinner Intruder

652 28 25
                                    

- Anna -

Hindi ako nakakatanggap ng text message mula kay Apollo hindi tulad ni Kuya na halos maghapon na siyang kausap at katext.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot kapag naiisip ko ang bagay na iyon pero para bang naiinggit ako kay Kuya na kausap niya si Apollo.

'Hindi naman siguro ako nagseselos sa atensyon na binibigay ni Apollo kay Kuya di ba? That would be very inconsiderate if I think that way.' Pagsscold ko sa sarili ko.

Siguro mas comfortable lang talaga ang mga lalaki na kausap ang kapwa nila lalaki when it comes to different things. Yeah. That's it.

Tumingin akong muli sa salamin para tingnan ang sarili ko kung okay na ba ang itsura ko.

Simpleng pink cocktail dress lang ang isinuot ko na may butterfly design sa gitna ng damit. May kaunting ruffles sa manggas kung saan may pagka-lace ang design nito. Pero hindi siya yung tipo ng lace na see thru. Ayoko ng mga ganoong revealing na damit dahil alam kong hindi iyon babagay sa tulad ko. Ipinakulot naman ni Mama ang kalahati ng buhok ko at pinalagyan niya ako ng light make up kahit tumatanggi ako noong una. Maliban sa earrings ay wala na akong ibang accessory sa katawan.

Knock! Knock!

Napalingon ako sa pintuan at nakita kong si Kuya ang kumakatok. Nginitian ko siya na siya naman niyang ginawa pabalik sa akin.

Kinuha ko ang aking panyo na nasa ibabaw ng table at saka ako lumapit kay Kuya pero pumasok siya sa kwarto at mukhang kakausapin niya ako.

Umupo muna kami sa tabi ng kama ko at saka siya tumingin sa akin.

"Are you excited to see your knight in shining armor?" Nakangiti niyang biro sa akin.

Napangiti na lang ako sa biro niya na siya din niyang ginawa.

"I need to say this before we have our dinner later." Bigla akong kinabahan sa pagbago ng tono ng pananalita ni Kuya.

"I will go back to States tomorrow. I need to check some important errands in our company and Dad can't go so... I volunteer myself." Halatang halata sa mata at mukha ni Kuya ang kalungkutan sa mga sinabi niya sa akin. Ako din ay nakaramdam ng kalungkutan dahil ito ang unang pagkakataon na malalayo si Kuya sa family namin. Lalo na sa akin.

Tatayo na sana ako sa para kumuha ng papel at ballpen upang sabihin ko ang gusto kong sabihin sa kanya pero hinawakan ni Kuya ang kamay ko para pigilan ako.

"No. You don't need to say or ask anything. I just want to say goodbye in a very appropriate way. Of course Mom and Dad already knew this thing and I ask them not to tell you about my decision because it should be me who should tell you this." Tuloy tuloy na paliwanag ni Kuya sa akin in which mahahalata na sa kanyang pananalita ang pamamaalam sa akin.

"Also, I insist this dinner because I want to ask Apollo a favor. A very big favor." Alam kong halata sa mukha ko na nagtataka ako sa sinabi niya kaya biglang natawa si Kuya ng mahina.

"I want to ask him if... he can take care of you when I'm not around. But, I think I don't need to ask him about it because I have a very strong feeling that he will certainly do it without me asking for it." Nagulat ako sa mga sinabi sa akin ni Kuya. Bakit parang inihahabilin ako ni Kuya kay Apollo? Kinakabahan tuloy ako sa mga sinasabi niya. Knock on wood Anna! Nothing wrong will ever happen to Kuya!

"Alam kong iniisip mo na 'Bakit ganito magsalita si Kuya? Bakit parang inihahabilin niya ako kay Apollo?' Well... You know that I don't want you getting hurt or getting bullied by someone out there. I'm the one doing the Kuya slash hero thing before but since I will not be here for quite sometime, there should be someone... a guy like me... who will take care of you. Keep you safe, happy and make you smile everytime and... I know Apollo can do all those stuffs for you." Talagang nagpapaalam na sa akin si Kuya. Nararamdaman kong anumang oras ngayon ay tutulo na ang luha ko.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon