Stanza 9.4: The Obnoxious and The Lady

2.1K 174 42
                                    

- Gino -


Ang boring! Wala akong magawa dito sa bahay.

Si Janus kausap yung girlfriend niya. Si Vince naman may business venture. Si Apollo may lakad daw. Si Alex at Alexa busy din. Si Anna namasyal kasama ang family niya. Si Elaine naman...

Aha! Mabisita nga yun ngayon. Iinisin ko na lang para hindi ako mayamot.

Malapit lang naman yung bahay niya kaya pwedeng pwede kong lakarin. Sayang sa gas at oras kung magkokotse pa ako.

Nagpaalam ako saglit kay Manang if ever na hanapin ako ni Mama. Tinext ko na rin siya para di mag-alala. Pagkatapos ay kaagad akong naglakad papunta sa bahay nila Elaine.

After 5 minutes ng paglalakad ay nakarating na ako sa block kung saan nakatira ang mga Vera-Cruz.

Ding dong. Ding. dong.

"Vera-Cruz mansion, how may I help you?" Si Manong Paul yung nagsalita sa speaker box.

"Manong si Gino po ito. Bibisitahin ko po sana si Elaine. Nandiyan po ba siya?" Sana naman nandiyan siya. Hindi ko tinext para may gulat factor. For sure naman maiinis yun kapag nalaman niyang binisita ko siya ng walang dahilan.

"Opo Sir Gino. Pasok po kayo." After niyang sabihin yun ay automatic na bumukas yung gate.

Sinalubong ako ni Manong at kaagad akong binati ako. Binati ko din siya in return.

"Upo po muna kayo sa living area sir. Ipinatawag ko na po si Ms. Elaine para bumaba." Ano kayang ginagawa nung payatot na 'yun? Sigurado akong hindi 'yun mag-aayos dahil alam niyang ako lang ang bumibisita sa kanya.

"Sige po salamat." Dali dali akong pumunta ng sala para doon hintayin si Elaine.

Nang marinig ko ang mga yabag ng kanyang paa, may ideyang biglang pumasok sa isip ko.

Kaagad akong nagtago sa likod ng hagdan para gulatin siya. Alam kong maiinis siya sa akin pero mas okay na gawin ko ito kesa hintayin siya sa sala na walang ginagawa.

Pagkababa niya sa huling baitang ng kanilang hagdan ay nakita kong lumilinga linga siya sa sala at mukhang nagtataka kung bakit wala ako doon.

Habang patuloy siya sa paghahanap sa akin ay dahan dahan akong lumapit sa likod niya. Nag-tiptoe ako para hindi niya marinig na papalapit ako sa kanya.

This is going to be fun!

BOOOOOOOOOO!

"WAAAAAHHHH!" Malakas na sigaw ni Elaine. Halatang halata sa expression ng mukha niya ang pagkagulat.

"Hahaha! Epic talaga reaksyon mo Laine!" Di pa rin ako maka-get over sa reaksyon niya. Para siyang batang nakakita ng multo.

Ang sakit na nang tiyan at pisngi ko kakatawa. Hah. Hah. Hahahahaha.

"BALIW KA TALAGA GINO! IYAN LANG BA ANG IPINUNTA MO DITO?" Galit na tanong niya sa akin.

"Relax lang Elaine. Kukulubot kaagad 'yang mukha mo kapag parati kang galit. Tingnan mo nga 'yang noo mo oh, sobrang kulubot na sa inis." Pagkasabi ko nun ay kaagad siyang tumalikod sa akin at padabog na pumunta sa sala. Siyempre sinundan ko rin siya kaagad.

Umupo siya sa maliit na sofa sa tabi ng couch. Ako naman sa couch mismo umupo. Siyempre, bisita ako eh. Feel at home lang ang dating.

"So, what do you want? Why are you here?" Halata pa rin ang inis sa boses niya.

"Wala lang. Boring sa bahay eh. Wala mga parents ko. Pinagpahinga ko na rin ng maaga yung mga staff namin sa bahay. Kaya ayun, nandito ako. Ta-da!" Ngumiti ako ng malaki na may halong pang-aasar sa kanya.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon