Stanza 12: The P.O.D

1.8K 153 35
                                    

- Anna -


Kaagad kong hinawakan ang parte ng puwet ko na sumakit dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig.

Bigla kong nakita si Vince na kaagad lumapit sa amin ni...

"Oh Apollo, anong nangyari dito? Okay ka lang ba Anna?" Nag-aalalang tanong ni Vince.

Inalalayan niya akong tumayo kasama ni Apollo. Tumango naman ako at nagthumbs up para malaman nilang dalawa na okay lang ako.

Nang makatayo na ako ay saka ko pinagpag ko ang suot kong shorts pati na rin ang mga kamay ko.

"S-Sorry talaga Anna. Sorry." Paulit ulit na sabi ni Apollo.

"Ano bang ginawa mo Apollo?" Halata sa boses ni Vince ang pagkainis.

"Ginulat ko kasi si Anna kaya siya napaupo kaya... Ano..." Matamlay naman niyang sagot.

Gusto ko sanang sabihin kay Vince na okay lang ako using my sketch pad kaso ng magsusulat na ako ay pinagalitan niya si Apollo.

"Huwag mo na siyang gugulatin ng ganyan sa susunod! Kapag nasaktan siya ulit sa pinaggagawa mo, ikaw ang mananagot sa akin!" Pagbabanta ni Vince kay Apollo.

Si Apollo naman nakasad face pa rin at napapakamot ng ulo dahil sa ginawa niya.

"Oo Vince. Hindi na mauulit. Promise." Nakayukong sabi ni Apollo.

"Good. Gulatin mo na lahat, wag lang siya okay?" Sabi niya habang akbay akbay si Apollo.

"Opo. So... peace na ulit tayo?" Tanong ni Apollo kay Vince. Ambilis naman yatang magshift ng emotion nitong si Apollo. Isa rin itong weird eh.

"Depende yun kay Anna. Di ba Anna?" Biglang nagwink sa akin si Vince pagkasabi nun.

Ha? Sa akin? Bakit ako?

"Anna..." Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Apollo ang dalawa kong kamay na siya ko namang tinitigan. Nagmamala-pusa yung mga mata niya habang tinitingnan ko ito.

"Sorry talaga. Promise. Hindi ko na iyon uulitin. " Alam ko namang sincere siya sa pagkakasabi nun pero bakit need pa niyang hawakan ang mga kamay ko?

Tumango ako habang nakangiti sa kanya at kinuha ang sketch pad at saka nagsulat.

'Ok lang na gulatin ako Apollo. Kaso medyo napasobra yung ginawa mo. Basta ipromise mo na hindi na ito mauulit.'

Ipinabasa ko iyon sa kanya at sabay nag 'X' sign siya sa chest niya.

"Cross my heart, Anna. Hindi ko na talaga iyon uulitin."

Ngumiti ako sa kanya sabay thumbs up para sabihing ok na ang lahat.

"Yehey! Salamat Anna." Napatalon si Apollo dahil sa tuwa kaya ako din ay napatalon dahil sa ginagawa niya. Para kaming baliw na tumatalon ng walang dahilan. Hahahaha.

"Oh tama na sa pagtalon, pinagtitinginan na kayo ng mga tao. Pumunta na muna tayo sa P.O.D para kumain." Sabi ni Vince habang tumatalon talon pa rin kami.

"Sige pre! Taralets Anna. Maya na ulit tayo tumalon. Hahaha." Sabi ni Apollo sabay biglang hinto niya sa pagtalon.

Haaaahhh. Haaaaahh. Medyo hiningal ako sa pagtalon talon namin ni Apollo. Para kaming baliw kanina. Nakakahiya nga kasi pinagtitinginan kami ng mga tao pero nakakatuwa din siya at the same time.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at pinapagitnaan ako nina Apollo at Vince habang sabay sabay kaming naglalakad papunta sa P.O.D. Para ko silang bodyguard dahil pareho silang matitipuno at matangkad na lalaki.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon