Stanza 9.3: Your Lady

2K 177 45
                                    

- Elaine -


Haaayyyy. Sa wakas nakauwi na rin. Sa susunod, yayayain ko na si Anna na sumama sa akin mag-shopping or mag-tea sa labas.

Kaagad kong ibinaba ang mga dala kong paper bags at napaupo sa sofa sa sobrang pagod.

Krrrr! Mukhang nagagalit na ang sikmura ko. Nagpoprotesta na siya sa sobrang gutom ko.

Hmmm... Ano kayang makakain?

Dali dali akong pumunta sa kusina at tiningnan ang mga prutas sa lamesa nang bigla kong maalala na mayroon nga palang cake sa ref.

"Manang, may natira pa po bang mousse cake sa ref?" Tanong ko kay Manang na nagluluto sa dirty kitchen.

Hindi pwedeng hindi ako makakain ng mousse cake! Pinatira ko 'yan kay Mommy.

"Meron pa po Ms. Elaine. Kung gusto niyo po, paghahainan ko po kayo." Sagot ni Manang mula sa kusina.

"Naku wag na po. Ako na lang po ang kukuha. Baka kasi ubusin ko na lang 'to." Sagot ko naman sa kanya.

Kaagad kong iniakyat sa kwarto ang natirang mousse cake para doon ito kainin. Mga nasa kalahati pa itong natira sa akin.

Eto talaga ang pinakafavorite kong dessert! Kaya walang papalag! Cheat day ko naman today kaya pwede akong kumain ng matatamis. I'm so happy! Yaaaayyy!

Mwahahaha! Sa tiyan kita mapupunta ngayon!

Nababaliw talaga ako kapag nakakakain ng mga paborito kong pagkain. Simula ng pumayat ako nung 3rd year high school, bihira na akong kumain ng mga paborito kong pagkain.

Ayoko na kasing mabully ulit ng dahil lang sa mataba ako.

Well, hindi naman ako ganun kataba. Chubby lang ako. Pero ipinangako ko sa sarili ko na malalaglag ang mga panga nila once they saw my slim figure. Hmpff!

************ flashback *************

"OMG! ELAINE. VERA-CRUZ. Is that you?" Gulat na tanong ni Alex sa akin ng magkita kami sa room after two months ng hindi ko pagpapakita sa buong barkada.

"Oo ako 'to! Wag ka ngang OA diyan." Nakaka-flatter naman kapag may nagugulat sa bigla kong pagpayat.

"Grabe within two months time nakapagpapayat ka na ng ganyan? OMG talaga!" Sabi naman ni Alexa.

Itong kambal na 'to OMG ng OMG. Hahaha. Pero infairness, flattered talaga ako at napansin nila ang pagpayat ko.

Nakakatuwa na marami ang nakakapansin sa pagpayat ko. Yung mga boy-friends na lang namin sa barkadahan ang hindi nakakakita sa akin. Gusto ko kasi marinig ang mga reaksyon nila.

"Eeeeeekkk!" Napahinto ako ng marinig ko ang mga babaeng nagtitiliian sa labas.

'Mukhang dumating na rin si Gino.' Excited kong sabi sa sarili. I really can't wait for his reaction sa bigla kong pagpayat.

Pagkapasok niya ng room ay binati niya kami isa isa.

Tapos.

Tapos.

Krruuu. Krruuu. Kruuu.

Hindi niya man lang ako pinansin!

Bakit ganun? Didn't he notice how many pounds I've lost? Hindi man lang niya napansin ang result ng effort ko? Nakakainis! Grrrrrrrrrr!

Wag mo na lang pansinin Elaine. Calm down! Calm down!

Habang nagpapanic ang mga thoughts ko ay napansin kong lumingon sa direksyon ko si Gino at tumayo mula sa kinauupuan niya para lumapit sa amin.

"Bakit ang payat mo na? Hindi bagay sayo! Nagmukha ka tuloy kalansay hahaha." Pangaasar ni Gino. 

K-Kalansay? A-Ako? Hindi niya ba alam ang difference ng sexy sa buto't balat? How dare he!

"Hahahahaha." Patuloy sa pagtawa si Gino habang nanggagalaiti ako sa inis.

Grrrr! Nakakainis ka Gino!

Nang hindi pa siya tumigil sa pagtawa ay bigla akong napabulalas ng wala sa oras.

"Hindi mo kasi alam kung anong feeling ng mataba! Wala kang alam!" Napalakas ang boses ko sa inis. Tumayo na lang ako at tumakbo palabas sa sobrang inis.

************ end of flashback ************

Arrrggghhh!

Kapag naaalala ko yun naiinis lang ulit ako kay Gino. Simula nung pumayat ako hindi na niya ako tinigilan sa pangaasar. Hmpff!

Makakain na nga lang ulit ng cake. 

Mmmmmm! Ang sarap talaga! 

Krrrrriiiinnngggg. 

Istorbo naman ito sa pagkain ko. Sino naman kaya itong tumatawag?

Tumayo ako para makita ang caller I.D and it shows na galing lang ito sa baba. 

"Ms. Elaine, may bisita po kayo. Si Sir Gino po." Speaking of the devil. Ano namang nakain nun at bumisita ng ganitong oras?

"Pakisabi po pababa na ako." Hindi na ako magaayos since si Gino lang naman yung bisita.

I smell something fishy about his sudden visit.

Humanda siya sa akin kapag inasar na naman niya ako!

Patay siya sa akin!


* Republished and edited - 24 April 2017 *

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon