Stanza 5: The S.O.S Club

2.7K 257 187
                                    


- Anna -


Grabe! Nabigla talaga ako dun sa lalaking 'yon!

Haaahh. Haaahh. Haaahh.

Hiningal ako dun ah. Sana hindi siya sumunod sa akin.

Babalik na lang ako sa room since malapit na ang start ng next subject. And also, I don't want to end my day thinking about what happened at the rooftop.

Konting ayos sa sarili...

Hair... Check.

Skirt... Check.

Uniform...

Ouch! May gasgas ako sa kanang braso.

As I checked it, it looks just fine. Maliit lang naman yung gasgas at hindi halata dahil natatakpan naman ng sleeves ko.

Ok na 'to. Pupunta na lang ako sa clinic. Kaso wala na palang time para pumunta sa clinic.

Ok na 'to! Mamaya na lang ako pupunta doon o di kaya sa bahay ko na lang ito gagamutin.

Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa room at since sa back row ako nakaupo, sa likod na pinto ako dumaan. Tahimik akong lumapit sa upuan ko para hindi ako mapansin masyado ng mga kaklase ko.

Mukhang walang masyadong nakakapansin na bumalik na ako sa upuan maliban kina Elaine, Alex, Alexa and Gino.

"Ok ka lang ba Anna?" Nagulat ako ng biglang magtanong si Elaine mula sa tabi ko.

Tumango ako habang nakangiti para hindi obvious na haggard ako.

"Mukhang tumakbo ka ng di oras ah? May humahabol ba sa'yo?" Kaso napansin pa rin ni Elaine yung itsura ko.

Uh! Oh!

Nilabas ko ang sketch pad at marker ko at sabay sulat ng 'I'm fine. Tumakbo ako kasi akala ko late na ako. :) Pasensya na kung medyo tumagal ako sa rooftop.' Pagsisinungaling ko kay Elaine.

Ayokong ikuwento sa kanya or kahit kanino sa kanilang apat kung ano ang tunay na nangyari sa rooftop. Hindi pa kasi ako ready magopen up sa ibang tao.

"Ah ganun ba? Pero okay ka lang ba talaga?" Hinawakan ni Elaine ang dalawa kong kamay habang nakatingin sa akin sincerely. Para siyang pusa na nakatingin sa akin. Ang cute cute niya tingnan kapag ganoon.

Tumango ako habang nakangiti bilang sagot sa tanong niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Sure ka diyan ah? Kapag may nanakit sa'yo, huwag kang mahiyang magsabi sa amin. Friend ka na namin kaya huwag kang mahihiyang magshare sa amin ng mga bagay bagay ha."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Ang sweet sweet talaga ni Elaine sa akin kasi tinituring na niya akong kaibigan kahit ngayon araw pa lang niya ako nakilala.

Kung tutuusin ang bait bait nilang apat sa akin kahit newbie lang ako. Nakikita ko namang hindi sila fake sa pagpapakita sa akin ng kanilang sarili kapag kasama nila ako. Totoo lahat ng ipinapakita nila sa akin and I'm really thankful because of that. Ikukwento ko lahat ng ito kina Mama, Papa at Kuya. Siguradong matutuwa silang lahat kasi may mga kaibigan na kaagad ako dito sa school.

Nagkwentuhan kami saglit nang biglang pumasok ang teacher namin para sa susunod na subject which is T.L.E. Nagbigay lang siya ng kaunting reminders about sa mga requirements and pointers para sa subject na 'to.

Biglang bumulong sa akin si Elaine na kailangan daw na may club or elective kang pipiliin para sa subject na ito.

'Eh paano ako? Wala pa akong club?' Tanong ko sa sarili ko.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon