01

418 10 0
                                    

Chapter 01

HERA'S POV

"Hera," tawag sa akin ni Megan at tumingin naman ako sa kaniya. "It's been 3 years since the day you graduated, and here you are." Dagdag nito at ngumiti naman ako.

"I miss this place," mahinang sambit ko.

"E siya?" Pang-aasar niya at napailing naman ako.

Tahimik kaming naglakad patungo sa faculty, hinatid ko muna si Megan sa Math department saka ako nagtungo sa Filipino department.

It's been 3 years mula no'ng makaalis ako rito, hindi ko maipaliwanag ang saya ko no'ng manalo ako sa tagisan ng talino noong 1st year College ako, kalaban ko ang 4th year College noon at wala ako masyadong confidence na manalo pero ayon thank God at kinaya ko!

"Hera!" Bungad ni Ma'am Berzeluis at yumakap ako sa kaniya. "I missed you," aniya't yumakap pabalik.

"I missed you too, Ma'am," sambit ko at kumalas ng yakap.

"Sayang, aalis na ako rito sa Cerium," biglang sabi niya at natigilan naman ako. "Lilipat na ako sa UDM," dagdag niya pa

"Hala Ma'am, sayang! Akala ko pa naman magkakasama kita," nanghihinayang na sabi ko tinapik niya naman ako.

"Celebrate na lang natin 'yan," aniya sabay ngiti. "Punta tayo sa Baguio, isama mo sila Espiño at Rodriguez." Sabi niya at tumango naman ako.

Pinakilala ako ni Maam Berzeluis sa mga co-Teachers niya na magiging co-Teachers ko na rin. Nagkaroon kami ng simpleng selebras'yon at pagpakikilala ng bawat isa, nabalitaan ko rin na si Sir Romero na pala ang department head dito.

"Ang table ko ang magiging table mo," sabi ni Ma'am Berzeluis sa akin at ngumiti naman ako. "May naalala ka?" Tanong niya at umiling naman ako. "Tingin ka sa kaliwa," sambit niya at tumingin naman ako sa kaliwa.

Nakita ko ang table niya...

Dito pa kaya siya nagtratrabaho? Did he wait for me?

Umupo muna ako sa upuan at nakita kong naroon na pala ang master list, tinignan ko ito maging ang room kung saan sila naka-assign.

Napangiti ako nang makita ko ang room ng advisory ko, room 121 ang room kung saan ang advisory niya noon.

Lumipas ang ilang oras at pinauwi na kami, sabay kaming umuwi ni Megan at sinabi ko naman sa kaniya na pupunta kami sa Baguio this week. Sa sobrang tuwa niya nauna na itong mag-ayos ng gamit.

Kinabukasan nandito ako sa sala at inaantay ko sila Vivian at Sofia, ngayon ang araw na pagpunta namin sa Baguio.

Si Vivian at Sofia ay kaibigan ko simula 1st year High School hanggang ngayon, hindi ko inakala na magtatagal pala ang pagkakaibigan namin.

Si Sofia kaklase ko no'ng Grade 06, habang si Vivian naman ay naging kaklase ko no'ng 1st year High School.

Naging magkaibigan kami sa hindi malamang dahilan, basta isang araw napadalas na ang pagsasama naming tatlo.

Sa totoo lang apat kami, si Alexa ang isa pero hindi siya makapupunta rito dahil hindi siya pinayagan.

Si Vivian at Accounting ang course, habang si Sofia naman ay Education, magkapareho kaming Filipino ang major. Same school silang dalawa sa PLM o Pamantasan Lungsod ng Maynila, habang si Alexa naman ay sa TUP o Technological University of the Philippines, sa tapat ng PNU kung saan ako nag-aral.

"Hera! Nasaan gamit mo?" Tanong ni Megan at tinuro ko naman ang bag na katabi ko lang. "Okay," aniya at tumabi ito sa akin. "Nakita mo siya?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Parang hindi na ata siya roon nagtratrabaho," sambit ko at natawa naman ito.

"Parang?"

"Oo, I'm not sure," natatawang sabi ko.

"Kailan ka kaya magiging sure?" Tanong ni Megan at napailing ako.

"Kapag Doctor na ako," sagot ko at ngumiti ito.

"Fighting!"

Maya-maya biglang may nag-doorbell at nagpaalam naman si Megan na bubuksan niya muna ang pinto kaya't tumango ako. Kinuha ko ang phone ko at nagbasa ng notes patungkol sa Medicine.

Gustong-gusto ko talaga maging Doctor simula no'ng bata ako, pero hindi ko nasunod kasi mag-isa na lang ako.

Lumaki akong walang kinililalang Ama, ang tanging mayroon lang ako ay Ina pero namayapa ito noong 3rd year High School ako.

Noong maka-graduate ako ng 4th year pinalayas ako sa bahay namin, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako pinalayas samantalang bahay iyon ni Mama.

Tumira ako sa bahay Tita ko pero hindi masyadong mabuti ang naging trato sa akin, para akong katulong nila, hindi ako gano'n kagaling makisama pero pinilit ko dahil kailangan kong nakapag-aral.

Habang nag-aaral ako sumali ako sa iba't ibang contest na may cash prize, naghanap din ako ng part-time job malapit sa pinag-aaralan ko, ang PNU o Philippine Normal University.

Pinili kong maging Teacher kahit Doctor talaga ang gusto ko, dahil gusto kong mag-aral gamit ang sarili kong pera. Ang pag-aaral ko no'ng College ako, bukod sa sagot ng Tita ko ang ilang financial, nakatulong din ang Scholarship ko, nakakuha ako rito ng allowance at ang kailangan ko lang ay mai-maintain ang grade ko.

Hindi naging madali ang buhay ko, working-student ako at bukod doon kailangan ko pang pakisamahan ang Tita ko.

Nagbago ang takbo ng buhay ko simula no'ng nanalo ako sa tagisan ng talino noong 1st year College ako, accelerated ako sa 2nd year kaya't 3rd year na 'ko agad.

Noong una mahirap pero nagbago noong makilala ko si Megan, naging magklaklase kami sa ilang Math subjects. Filipino ang major ko habang siya naman ay Mathematics.

Naging close kami sa isa't isa at siya ang nag-suggest na mag-Condo na lang kami. Nagpaalam siya sa kinikilala niyang magulang at pumayag naman sila.

No'ng makahanap kami ng Condo nagpaalam na ako sa Tita ko at nagpasalamat sa lahat, ibinalik ko rin ang perang ginastos nila sa akin dahil ayaw kong isumbat sa akin ang tinulong nila sa akin. Ayaw ko ring tumanaw ng utang na loob sa kanila na isusumbat din naman sa akin pagdating ng araw.

Halos para na kaming magkapatid ni Megan, lagi kaming nagtutulungan kapag nahihirapan kami sa ibang subjects maging sa projects. Sa pagbabayad naman ng bills alternate kami, natapos na rin naming bayaran ang mismong unit kaya't sa kuryente at tubig na lang ang binabayaran namin ngayon.

"Baka naman maging summa cum laude ka na n'yan," tinig ni Megan at natauhan naman ako.

"Send kasipagan," sabi ni Vivian at napailing naman ako.

"Magdo-Doctor na 'yan soon, anong klaseng Doctor?" Tanong ni Sofia at ngumiti ako bago sumagot.

"Cardiothoracic Surgeon."

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon