16

129 2 0
                                    

Chapter 16

TERRENCE'S POV

"Ulit, sa akin ang tingin at huwag sa iba. In three, two, one... Smile!" Sabi ko sabay click sa camera.

Tinignan ko ang picture ni Hera na kinuha ko at hindi ko maiwasang mapangiti, umupo ako sa upuan ko at ipinasa ko ang picture ni Hera sa laptop ko. Nakaupo ito sa tapat ko at pilit na ibinalin sa iba ang tingin.

"Ginoo," biglang tawag nito sa akin. "Paano po 'yong 98 pang tula? Itutuloy ko pa po ba?" Tanong niya.

"Ikaw kung gusto mo, pero mas mainam na umpisahan mo na para hindi ka gahol sa oras sa paggawa kung mapili man ang obra mo. Ngunit, ano man ang resulta ipagmamalaki kita; ang iyong tapang at dedikas'yon," ngumiti ako. "Ipagmamalaki ko, dahil proud ako sa 'yo." Pagpapatuloy ko pa at nakita kong napangiti ito.

"Salamat po," nakangiting tugon niya.

"Login ka na," sabi ko at itinapat ko sa kaniya ang laptop ko.

Nakita ko itong nag-type at no'ng ma-sign-in niya na itinapat niya sa akin ang laptop ko at ako naman ang gumawa ng email. Nang mai-attached ko na ang file muli kong itinapat kay Hera ang laptop. "Ikaw mag-send." Utos ko at walang sabi-sabi nai-send niya na agad 'to.

"Tapos na..." Mahinang sabi ko at napatingin ako kay Hera na tila tulala.

Huling araw na pala 'to na makauusap kita nang ganito lalapit, at ang huling araw na na-realize ko na.... Gusto kita.

"Huling araw na pala 'to..." Mahinang bulong niya. "Sana tinagalan ko pa." Aniya pero hindi ko masyadong maintindihan.

Kinagabihan, nanatili ako sa veranda matapos naming kumain. Napatingin ako sa kalangitan at napabuntong hininga, ayon na ang huling araw na makauusap ko siya nang gano'n kalapit. Maya-maya biglang tumunog ang phone ko at nakita kong may chat si Hera kaya agad ko itong binuksan.

Hera:
Good Evening po, Sir!
Bago po matapos ang araw na ito
gusto ko lang po magpasalamat
sa lahat ng support at
paggabay sa akin sa paggawa
ng tula. Alam ko pong
marami kang ginagawa biglang
Guro pero inilaan mo po ito
sa pagtulong sa akin
Minsan nga po napupuna ko po sa
boses mo na namamaos ka na
at metres na ipahinga mo na lang
po iyon, ginamit mo pa po para maipaliwanag
sa akin nang
maayos. Ginoo, salamat po sa
lahat! Hindi ko alam kung paano ko
mapapasalamatan ito pero
tandaan n'yo po tatapusin ko ito't
ipapabasa ko po sa iyo.
Dahil naumpisahan mo na rin po.
Salamat po ulit!

Terrence:
Wala iyon! Masaya ako
dahil natulungan kita
at naging parte
ako ng iyong pag-unlad.
Basta ano man ang mangyari,
ipagmamalaki kita at
ang iyong obra, pati na rin
ang tapang
at dedikas'yon.
Kahit ano ang man ang
resulta, proud ako sa iyo!

Ilang araw ang lumipas at balik sa rati ang lahat, tapos na ang tula na sinalihan ni Hera at wala na akong balita roon kung napili ba o hindi. Gaya ng dati tahimik lang si Hera sa klase at minsan nama'y nagre-recite na ito lalo na kapag walang nakasasagot sa mga tanong, parang nagbibilang siya ng sampu hanggang dalawangpung segundo bago sumagot.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon