Special Chapter

38 0 0
                                    

Special Chapter

HERA'S POV

"Isang daang tula ang ginawa mo kay Ginoong Ricohermoso, 'di ba?" Tanong ni Vivian at tumango naman ako. "Sana lahat. Ako kasi una pa lang nagagawa ko pero ayaw ko na sundan." Natatawang dagdag niya't natawa rin ako.

"Alam n'yo na kung bakit, may motivation kaya tinapos." Ani Alexa at nagkatinginan naman kami ni Sofia na para bang pareho lang ang sasabihin namin.

"Tapos kayo natapos?" Sabay na sabi namin ni Sofia at sumama naman ang tingin ni Alexa.

"Pangit n'yo talagang ka-bonding." Nagkukunwaring inis na sambit nito at natawa naman kami. "Palibhasa engaged na 'yong isa r'yan." Pagpaparinig nito sa akin.

"Ako lang 'to." Natatawang sabi ko.

"Oo, ikaw lang 'yan. ang nagsabi na hindi magkagugusto sa Guro, pero Guro ang nakatuluyan." Pangbabara naman ni Sofia.

"Pa'no naman ako?" Biglang tinig ni Zylu nang makapasok ito. "Naghintay nang matagal sa 'yo. Wala lang ba talaga lahat ng 'yon sa 'yo? Ano na bang gagawin ko?" Pagkanta pa nito't sinabayan ng tawa.

"Ano ba 'yan, Zymon?! Ako naiiyak dito!" Singhal ni Alexa at natawa naman si Zylu bago umupo sa tapat ko.

"Ikaw lang." Ngumisi ito. "Saka ito." Sabay turo kay Vivian.

"Dinadamay mo 'ko?!" Reklamo ni Vivian at tumawa lang si Zylu.

"Day off mo?" Tanong niya sa akin.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko pabalik.

"Hindi mo na nga ako pinili, pinipilosopo mo pa ako." He pouted.

"How about the Prosecutor, Attorney Laxamana?" Bungad ni Kuya Adrian at napangiti naman ako no'ng nakita ko si Terrence.

"Ikaw nga type no'n." Dinig kong sabi ni Zylu at natawa naman sila.

"Kawawa ka naman. Magbabagong taon na hindi ka rin pinili."

"Hi, love." Nakangiting bati ni Terrence. "How's your day?"

"It's fine. Gumawa lang ulit ako ng tula bago kami magpunta rito." Sagot ko at tumabi naman ito sa akin. "How about you, love?"

"Tula? Don't tell me that you're serious about joining the contest." Seryosong sabi niya't lihim akong natawa.

"Why? Bawal ba? Doon naman tayo naging malapit, ah. Pero may boundaries nga lang kasi Teacher kita no'n at estudiyante mo 'ko. Tapos fiancee mo na ako ngayon." Sagot ko pa't ginulo niya naman ang buhok ko.

"Guide ulit kita." Nakangiting aniya't ngumiti naman ako.

"Lagi naman, e. Kaso para-paraan mo lang 'yan para makausap ako." Pang-aasar ko. "Kaya pati sa recitation tapos walang nagtataas ng kamay ako ang tinatawag mo, kaya naawa ako sa 'yo at ako na mismo ang nag-recite." Pagkukuwento ko pa at napailing naman ito.

"Ayan ang para-paraan!" Sabat ni Sofia.

"Tapos ikaw naman ako lagi tinatanong mo kung pumasok ba si Sir Marques." Biglang sabi ni Zylu at natahimik naman si Sofia. "Nalungkot ka bigla r'yan? Tara. Hanapin natin sa buong mundo. Ako Abogado, tapos ang Doctor na si Hera magiging Detective."

"Zymon ang pasmado ng bibig!" Reklamo ni Alexa

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Sofia at ngumiti naman ito.

"Hindi. Pero sabihin ninyo, 'okay lang 'yan'." Aniya't sumunod naman ang ilan.

"May nasagap akong chismis tungkol kay Tristoff." Bulong ko sa kaniya at nanlaki naman ang mata nito.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon