EPILOGUE

269 5 6
                                    

Epilogue

TERRENCE'S POV

"Next week is our second anniversary and I will propose to her," I said and Adrian sip his Brewed coffee. "I'm here to ask your permission, I want to marry your sister."

"Are you sure?" He asked and looked at me.

"Yes," I answered sincerely.

"Prove it."

"I love her and I want to live with her in one roof, I want to treat her like a Queen. Cherish her," I smiled and keep thinking about Hera. "She's my everything and I don't want lose her again."

"Kuya ang daming alam, papayagan mo rin naman." Tinig ni Nathan na kagigising lang.

"May pasok ka pa," ani Adrian.

"Day off ko, si Hera ang may pasok ngayon." Sagot ni Nathan at umupo sa tabi ni Adrian. "What's your plan?" Tanong nito at inagaw ang Brewed coffee ni kapatid niya.

"I just rent the National Books Store," sagot ko at nasamid ito.

"Why do you choose that place?" Adrian asked.

"Dahil doon kami unang nagkita, dahil sa pink highlighter na hinahanap niya't sa nahulog niyang ID. Nagkalapit kami." Nakangiting sagot ko.

"Kailan mo balak mag-propose?" Tanong ni Nathan.

"Sa mismong anniversary namin, next week. Thursday." Sagot ko at tumango naman ito.

"Be cold to her," biglang sabi ni Adrian. "Just act like you don't remember your anniversary in that way you could be prepared." Suggest nito.

Nandito kami nila Adrian sa Russium Jewelry Shop, naghahanap ako ng engagement ring na ibibigay ko kay Hera. Maya-maya may punukaw sa atens'yon ko't napangiti ako no'ng makita ko 'yon.

Bagay na bagay kay Hera.

"May nakita ka na?" Tanong ni Nathan at tumango naman ako't itinuro ko ang singsing na nakita ko.

"It's an Sterling Silver Diamond Ring, Sir," tinig ng Staff at bumalin ako ng tingin sa kaniya.

"I'll take it," tugon ko't inabot ko ang credit card ko.

Maya-maya inabot na sa akin ang paper bag at ibinalik ang credit card ko. Lumabas na kami ng Jewelry Shop at naghanap ng damit na isusuot sa mismong proposal ko kay Hera.

Si Adrian at Nathan ang pumipili ng damit ko habang ako naghahanap ng human size teddy bear. Nang makahanap ako binili ko ito at ipinahawak ko kay Nathan. Isinukat ko ang pinili nilang damit at ayos naman ito sa akin.

Binayaran ko na ito at nagpasalamat kila Nathan at Adrian sa pagtulong sa akin. Halos ginabi na rin pala kami kaya napagpasyahan naming kumain sa restaurant.

Pinag-usapan namin ang plano ko at tutulungan daw nila ako. Hindi ko sisiputin si Hera sa araw ng anniversary namin dahil magkukuwari raw akong abala sa pagtuturo ng mga estudiyante.

Isang linggo ang nakalipas at second anniversary na namin ngayon ni Hera. Binati niya ako pero hindi ako nag-reply sa message niya.

From: Hera Ricohermoso
I'll wait for you at Summer's Café, love.

Ayan ang huling message niya at hindi na ito nasundan pa. Tinuruan ko ang huling klase na hawak ko at inaantay ko na lang na matapos sila sa gawain nila. Habang inaantay kong matapos ang mga estudiyante ko sa gawain, pinagmamasdan ko ang singsing na ibibigay ko mamaya kay Hera.

Napangiti ako no'ng maalala ko ang sinabi ni Hera kung saan niya gustong ikasal. Sa beach. Gusto niya raw sumakto sa sunset ang pagtatapos ng kasal, she found it romantic and so do I.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon