Angel

51 1 0

Angel's POV

Tapos na ang bakasyon, nandito ako ngayon sa canteen dahil first recess namin.

"Angel, kamusta bakasyon? Nagamit mo ba yung mga regalo ko sayo?" Sabi ni Kira, bagong kasama at kaibigan ko, di ko masasabing bestfriends kami kahit alam nya ang storya ng buhay ko dahil ayokong ingatan ang isang taong mawawala rin naman sakin.

"Oo."

"Mabuti naman at nagustuhan mo, medyo may pagkamaselan ka kasi."

"Marunong naman ako mag-appreciate nang mga binibigay sakin."

"Ikaw, kamusta ka na?"

"Okay lang naman."

"Nakalimutan mo na ba sya?"

"Ang normal na taong nagmamahal ng totoo ay hindi naka-move on sa loob lamang ng ilang buwan, specially sa mga taong katulad ko na kung magmahal ay sobra-sobra."

"Oo nga, grabe ka nga magmahal. halos ibigay mo sa kanya lahat noon. Pero sana wag mong kalimutan na may karapatan ka ring sumaya."

"Hindi ako sasaya kung wala sya."

"Hindi pwedeng ganun, Angel! Hindi mo pwedeng ibuhos ang buhay mo sa taong iniwan ka."

"Iniwan ako kasi mahal ako, at kung mahal ako ay babalik sya! Kaya wag kang mangielam!"

"Kaya ka pala iniwan ng mga dati mong kaibigan ay dahil ipinagpalit mo sila sa kanya. Pero wag kang magalala, nandito pa rin ako, hihintayin kong magising ka sa bangungot mo."

"Okay lang sakin kahit iwan mo rin ako, hindi ko kailangan ang awa mo."

"Eto na naman tayo sa diskusyong ito, oo naaawa ako sayo kasi nasasaktan ka at di mo deserve yon! Di lang ako naaawa, nagaalala din ako kasi kaibigan mo ko! At di kita iiwaan kasi ikaw nalang ang kaibigang meron ako. Gusto ko lang naman ay bumalik yung dating ikaw, yung ikaw na masayahin, magulo, maingay, matakaw at palaban, hindi yung ganto na masyado kang tahimik, wala kang emosyong pinapakita sakin, ni hindi ka umiiyak, wala kang ganang kumain at pakiramdam ko ay anytime mawawala ka sakin. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ang lahat sa dati, Angel."

"Yun din naman ang gusto ko, Kira, ang bumalik lahat sa dati. Yung tayo, yung kami."

"Paano pag hindi na pala sya babalik, ganto nalang ba tayo habang buhay?"

"Just give me more time, that's all I need."

"Kulang ang oras kung ikaw sa sarili mo ay walang ibang ginagawa kundi ang hintaying bumalik sya." Tumayo sya, "Mauna na ko." Yun lang at umalis na sya sa harapan ko. Ganito palagi ang nangyayari saming dalawa pag sya ang pinaguusapan namin, laging nauuwi sa isang pagtatalo.

Hindi mo ko maiintindihan, Kira, kasdi ka pa napupunta sa ganitong sitwasyon, kasi hindi ikaw yung nasa pwesto ko. kasi hindi ikaw yung nakakadama at nakakaalala nang lahat. Wala ka namang alam sa nararamdaman ko, ang alam mo lang nasasaktan ako, pero di mo alam kung gaano kasakit!

*****

"Class dismissed!" sigaw ng huling teacher namin.

Tumayo agad ako at kinuha ang bag ko para umuwi. Walking distance lang ang bahay namin sa skwelahang ito kaya nakakauwi ako kaagad.

"Nandito na po ako!"

"Nandito kami sa salas!" Lumakad ako papunta doon, at nakita ang mga magulang, kapatid at lolo at lola ko na nanonood.

"Kumain ka jan, Angel, may hinanda akong turon, paborito mo iyan, hindi ba?"

"Opo, pero busog pa po ako."

"Nagdi-diyeta ka ba, ija?"

"Hindi po, Lola." Ayaw po NYA na nagdi-diyeta ako, mahal  daw nya ko kahit tumaba ako basta daw wag ako magpapagutom.

"Ah, ganun ba? Sige, magbihis ka na."

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko. Binaba ko ang bag ko saka ako humiga sa kama. Nakikipagtitigan na naman ako sa kisame ng kwarto ko.

"Dati, sinasabi ko agad sayo na nakauwi na ko kasi tatawag ka para makipagkwentuhan sakin. Hindi tayo nawawalan ng paguusapan. Para kang matanda kung sermonan ako, at para ka ring bata kung mapikon sa mga biro ko sayo. Napakamatampuhin mo. Sobrang seloso mo din. Lagi mo kong tinatanong kung may kinausap ba kong kaklase kong lalaki. Lagi ka nalang nagmamaktol kasi lagi akong may nakakausap. Sabi mo nagseselos ka kasi malapit sila sakin at napapangiti nila ako, pero sabi ko sayo ikaw lang ang nakakapagpasaya sakin kasi ikaw lang ang mahal ko at di magbabago yun. Kaya nga eto ako oh, mukhang tanga na kinakausap yung kisame, kasi naaalala pa rin kita, kasi mahal na mahal pa rin kita. Ngayong wala ka na, ano ba ang dapat kong gawin? Nasanay na kasi ako na nandyan ka. Bakit ba kasi iniwan mo pa ko?!" Yun lang at umiyak na naman ako.

"Tok! Tok! Tok!"

Nanatili ako sa pagkakahiga ko. Sanay na ko sa ganto, ang wala silang alam sa nararamdaman ko. Ni hindi nila alam ang boses, ngiti o mata ko pag malungkot o masaya ba ko. Kayang kaya kong itago ang nararamdaman ko.

"Angel, kakain na."

"Busog pa po ako, di na po ako kakain! Matutulog na po ako!"

"Osige! Goodnight!"

Goodnight? Ano ba ang maganda sa gabi? Eh gabi-gabi nalang umiiyaako! Ano nga bang alam nyo sa nararamdaman ko? Eh di ba masaya na kayo kasi wala na sya sa buhay ko!? Wala naman kayong pakielam sa nararamdaman ko!

"Dati......... dati pag-gabi, bago matulog kinakantahan kita ng lullaby, bigla ka ngang umiyak e." Nagkwento na naman ako sa kisame habang umiiyak. "Sabi mo pakiramdam mo mahal na mahal kita kasi kinantahan kita ng lullaby samantalang lagi mo 'kong inaaway. Sabi ko ay mahal na mahal talaga kita at kahit awayin mo 'ko ng awayin ay di ako magsasawa sayo. Paulit ulit mong sinabi na mahal na mahal mo ko habang umiiyak ka. Sabi ko sayo ay matulog ka na dahil di ako titigil sa pagkanta hangga't di ka natutulog. Humihikbi ka pa nga habang kumakanta ako e. Hanggang sa nakatulog ka na. Ang sarap alalahanin ng nakaraan natin." Pagkukwento ko sa kisame habang may maliit na ngiti saking mukha.

"Goodnight, MJ." Sabi ko sa kisame saka ako tumayo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay natulog na ako.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!