Entry 2

92 1 0
                                    

Dear MJ,

Pasko ngayon, may kaunting inuman. Naalala kong pinagbawalan mo kong uminom. Pinagpromise mo pa nga ako noon, sabi mo pag di ko tinupad ay di tayo magkakatuluyan. Pero bakit pa nga ba ko susunod sayo, samantalang sariling pangako mo na manatili sa tabi ko ay sinira mo! Gustong-gusto kong magkatuluyan tayo, alam mo yan, pero gustong-gusto ko ring makalimot sa oras na 'to. Gusto kitang kalimutan. Gusto kong kalimutan lahat ng alaalang iniwan mo. Gusto kong makalimutan yung sakit na nararamdaman ko. Gusto kong kalimutan na iniwan mo ko.

MJ, gusto kong kalimutan lahat, pero ni isa sa lahat ng pinagsamahan natin di ko pinagsisisihan. Kahit masakit, ikaw ang taong hinding hindi ko pagsisisihang dumating sa buhay ko dahil ikaw ang pinakaiingatan ko, mahal na mahal kita.

Pasensya ka na kung iinom ako ha. Kailangan ko 'to ngayong wala ka na.

Angel.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon