Entry 5

63 1 0

Dear MJ,

Parang sasabog yung ulo ko kakaisip sayo at sa mga alaala natin. Parang lalabas yung mata ko sa kakaiyap. Parang pinipiga yung puso ko sa sobrang sakit.

MJ, hanggang kelan ko 'to mararamdaman?

Yun ba talaga yung dahilan kung bakit mo ko iniwan? Kung may iba ka namag mahal pwede ong sabihin sakin, di ba? sinabi ko na sayo yan dati. Hindi ako magagalit dahil karapatan mo yun. Pero hangga't nakatatak sa utak kong iniwan mo ko dahil mahal mo ko, nahihirapan ako. Umaasa ako MJ na mangingibabaw yung pagmamahal mo at babalik ka. MJ ano ba talaga? No secrets tayo, di ba? Bakit di mo sabihin sakin lahat? Handa akong makinig. Hindi yung ganto. Para mo na kong pinapatay ng unti-unti. Please, ipaliwanag mo sakin lahat.

Angel.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!