Entry 9

37 1 0

Dear MJ,

Happy New Year! Umasa ako na tatawag ka. Kahit anong tanggi ko alam ko sa sarili ko na ikaw lang yung hinihiling ko. Aminado ako na sa bawat pag-ring ng telepono namin, umaasa ako na ikaw yun, kahit para batiin man lang ako. Para ipaalam lang sakin na naaalala mo pa rin ako. MJ umaasa pa rin ako na babalik ka. Umaasa pa rin ako na mahal mo ko. Minsang naitanong ko sa sarili ko kung naiisip mo rin kaya ako? Umiiyak ka rin ba? Nasasaktan ka rin ba? Nararamdaman mo pa rin ba ko sa bawat hagulgol ko? Sana, oo. Kasi gusto ko pa ring maalala mo ko. Gusto ko pa rin sa tabi mo. Pero  siguro hindi talaga tayo meant para sa isa't isa.

Gagawin kong New Year's Resolution ang kalimutan ka. This time, desidido na ko. Iiiyak ko lahat ngayon.

"Iiyak mo lahat, basta siguraduhin mong hindi ka na iiyak ulit dahil sa parehong dahilan."

Yan ang lagi kong sinasabi sa iba, ngayon, i-a-apply ko yan sa sarili kong buhay.

Ganto pala kahirap pag ikaw yung nasa sitwasyon. Ganito pala yun.

MacDan4Ever  turns to  It's Over.

Eto na siguro yung "The End" ng love story natin, at kailangan ko ng magmove on.

Angel.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!