Entry 1

161 2 0

Dear MJ,

Noche Buena ngayon. Di ko akalaing matitiis mo ko. Samantalang ako, kating-kati na tawagan ka. Matapos kitang ipaglaban ay iiwan mo ko ng ganito? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba tayong dalawa lang para sa isa't isa? Akala ko ba ayaw mo na nagiging malungkot ako? Akala ko ba MAHAL NA MAHAL MO AKO? Akala ko lang ba lahat yun? Sabi mo di mo ko kayang tiisin pero ilang linggo mo na 'kong natitiis, matapos mong sabihin na para sakin ang ginagawa mo kaya mo ko iiwan, para ikaw nalang ang masaktan. Paulit-ulit kong sinasabi, sa relasyon dalawa lagi ang sumasalo ng lahat. Kaya ngayon kahit anong pilit mo na ikaw lang yung masasaktan, di mo alam nasasaktan na rin ako. Sobrang sakit na. Kaya ko namang masaktan basta nanjan ka eh. Handa akong masaktan para sayo, pero hindi sa ganitong paraan.

Angel.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!