Entry 11

13 1 0

Dear MJ,

"Sometimes, some people can stay in our heart but not in our life."


Siguro nga tama si ate. Maybe its time to let go. Lahat naman sa simula mahirap di ba?

This time tototohanin ko na ang pagkalimot sayo. Kahit masakit. Kahit mahirap. After all, ikaw naman ang bumitaw hindi ba? Wag ka magalala, naghihintay lang ako, tatanggapin kita kung hindi ka tinatanggap ng iba. Nandito lang naman ako palagi para sayo e.

Sana wag kang magagalit kung kakalimutan kita. Di naman ibig sabihin nun ay di na kita mahal. Kailangan ko lang muna sigurong matutunan ulit mahalin yung sarili ko. Paano kita mamahalin kung sarili ko nga di ko magawang pahalagahan.

Ang pagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit.

So, hindi ako hihingi ng kapalit. Mamahalin kita kahit di mo yun masusuklian. Mamahalin kita kahit wala ka. Mamahalin kita kahit di mo alam.

Pagbalik mo, ready na ulit akong mahalin ka ng sobra.

Angel.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!