Angel

25 1 0

Angel's POV

"Kamusta araw ng baby ko?" Tanong sakin ni MJ sa telepono dahil kauuwi ko lang.

"Okay lang, medyo nakakapagod kasi P.E. namin e."

"Kawawa naman baby ko. Kiss nalang kita. Mwuah!" Sabi nya sakin sa telepono kaya napangiti ako.

"Sweet naman. Pag ikaw ang kausap ko, nawawala lahat ng pagod ko, napapangiti mo pa ko."

"Mabuti naman! Kaya dapat wala ka nang kakausaping ibang lalaki pwera sakin kahit kaklase mo pa." Sabi nya na parang desididong-desidido sa sinabi nya dahilan para ikatawa ko.

"Hahahahahaha! Loko!"

"HA! BAKET?!"

"OA mo! Hahahahaha! Alam mo naman na hindi pwedeng hindi ako makipagusap sa mga kaklase ko, natural ang makipagusap sa kaklase ko."

"Bakit hindi?! Ano bang pinaguusapan niyo?! Pinopormahan ka lang ng mga yun e!"

"Loko!"

"Loko pa daw ako!"

"Hahahahahaha!"

"Wag mo nga akong tawanan ng tawanan! walang nakakatawa!"

"Okay. Serious na ko. Baby kasi may brain storming kami, saka groupings, minsan reporting, hindi naman maiiwasan yun e. Di ba sabi mo dati naiintindihan mo."

"Naiintindihan ko naman e. Pero alam mo naman na nagseselos ako kasi sila nakakasama mo samantalang ako hindi. Sila, nagagawa ka nilang pangitiin."

"MJ, alam mo naman na kahit anong pakikipagusap ko sa kanila ikaw pa rin yung love ko at ikaw lang ang nakakapagpasaya sakin."

 "Sige na nga. I love you na."

"I love--" Napahinto ako dahil sa sumugaw ng pangalan ko.

"ANGEL!" 

"Angel, ano ba?!"

"Angel, sumunod ka na sakin!"

"Naiinis na ko a!"

"ANGEL!" 

"ANGEL! ANO BA!? GISING!"

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" Napasigaw at napatayo ako bigla nang maalimpungatan ako.

"Ahhhh! Shit ka, Angel! Tinakot mo ko!" Hampas sakin ni Ate Agnes.

Panaginip. Panaginip lang. Bakit ba kasi di ko matanggap na wala ka na?! Na hindi ka na babalik?!


"Angel, okay ka lang?" Lumapit siya sa akin.

"Bakit? Sabihin mo kay Ate, akong bahala sayo." Umiling ako ng umiling na para bang hindi ako mahihilo at hindi mangangawit ang leeg ko.

"Angel, stop that! Baka matanggal yung leeg mo." Tumigil ako at tinignan ko sya. She smiled at me.

"Tell me. Your secret's safe with me." Sabi nya at tinanguan niya ko.

Yumakap ako sa kanya. "Ate, napaniginipan ko siya. Yung kami. Yung masaya. Iba sa inaakala niyong lahat. Iba yung pagsasama namin. Di niyo siya kilala."

I started sobbing.  My tears won't stop from falling. "Ate, nahihirapan na ko. Ang hirap ng wala siya."

Hinimas niya ang likod ko at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Nasanay ka lang ng nandiyan siya, pag nasanay ka ng wala siya, di ka na masasaktan o mahihirapan." Sabi niya.

"Kelan? Gaano katagal pa yun? Ate, siya lang yung mahal ko!"

"Angel, hindi true love ang nararamdaman niyo. True love waits, di ba?" True love?! Meron ba no'n?! Ano ba yon?!

"Bakit, Ate, may Fake Love ba para magkaroon ng True Love? Kasi kung fake yan, then it's not love after all." Asik ko sa kanya.

"Bakit, Angel, gusto mo bang diretsahin kita na hindi pagmamahal ang nararamdaman niyo!? Lalo na yung nararamdaman niya para sayo?!" Sagot niya sakin.

"Eh ano!?! Ano yun?! Ano ba yung nararamdaman namin ha, Ate!?! Sige nga! Ipaliwanag mo nga sakin!" Singhal ko sa kanya.

"Angel, sinuko ka niya. Iniwan. Binitawan. Di niya pinatunayan yung sarili niya. Di ka niya ipinaglaban. Duwag siya." Sabi niya na tila hirap na hirap na nagpapaliwanag sa isang batang ayaw makinig.

"Di naman mangyayari yun kung hindi niyo kami pinaghiwalay." Sabi ko kung saan matutunugan ang paninisi."

"Mabuti nang malaman mo ng mas maaga na mahina siya, kesa matuto kang kumapit sa kanya at magulat nalang na nalaglag ka na at di na makatayo pa, dahil sinanay ka nya umaasa ka sa kanya. You should know how to stand alone, on your own feet. You should be strong."

"I AM ALONE, ATE! I'M ALONE! I FEEL SO LEFT BEHIND! I FEEL SO WEAK! I DON'T BELONG HERE, I BELONG TO HIM." I shouted! I cried harder.

"Angel, listen to Ate, ok?" Mahinahong sabi niya at iniangat niya ang ulo ko para magtama ang tingin namin.

"Sometimes, some people can stay in our hearts but not in our life. Always remember that. You can move on even if you don't forget him. You can move on without being miserable, like this. Ok? Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Ikaw lang ang makakapagpagaan ng problema at nararamdaman mo." Sabi niya at pinunasan niya ang luha ko.

"Bababa na ko. Ayusin mo ang sarili mo at sumunod ka, ha?" I nod.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!