Chapter 15: Our Promise

9 3 0
                                    

Kara Saki Konami's Pov

"Amboring!!!" biglang sigaw ni Lanie na ikinaigtad naming lahat

Paano ba namang hindi kami magugulat, ang tahimik kaya naming lahat dito sa kwarto ni Ollie.

"Hype ka! Wag kang nanggugulat" saway ni Xiera na ikinatawa lang namin

Mga baliw talaga kahit kailan

"Eh walang magawa eh" maktol lang nito

Napailing nalang kami

Kunsabagay. Busy kasi kami nila Ollie, Zealan at Mira sa pagluluto. Habang sila Boy, Rodnie at Xiera naglalaro sa cp nila. Si Viel nanonood lang din ng kung ano sa tablet nya. Si Lanie lang ang nakahiga sa kama at nagpapagulong-gulong

"Edi mag-isip ka ng gagawin mo" sabat ni Rodnie, habang nakatingin parin sa cp ang naglalaro

"Nakakatamad"

Napailing nalang kami sa kakulitan nya

Lahat kami malapit ng gumaling, good news din yun, dahil makakauwi na kami sa mga bahay namin...

"Ano kung isipin na natin ang mga gagawin natin paglabas?" nakangiting suggest ni Zealan ng dalhin nya na ang isang tray na may lamang tinapay

Kasunod nya akong dala ang isang tray na may lamang juice. Agad din naman itong kinuha ni Boy at sya ang nagdala sa lamesa. Dahilan para tuksuhin ulit nila kami na ikinayuko ko nalang, para hindi nila makita ang pamumula ng mukha ko

Sa paglipas ng araw na nakasama ko ulit sila, masasabi kong maraming nagbago. Mas naging sensitive na kami sa nararamdaman ng isa't-isa. Nung una nagkailangan pa kami, pero kwinento na din namin ang lahat sa isa't-isa. Kaya masasabi kong mas naging malapit kaming lahat

Tinotoo din ni Boy ang sinabi nyang sasabihin nya na saakin ang lahat. Simula ng maging sila ng heart donor ko na si Iryll hanggang sa mamatay sya at kinumbinse sya ng Mama nito na ligawan ang pinagbigyan nito ng puso nya.. na ako

Hula nya talaga si Mira, pero dahil nga hindi naman talaga sya pumayag doon, kahit nung nagtapat sakanya si Mira, hindi nya ito pinatulan at pinagpatuloy ang panliligaw saakin.

Na hanggang ngayon, ginagawa nya parin.

"Rod, tulungan mo din si Zee" tukso ni Xiera na ikinatingin ni Rodnie

"Wag na, kaya ko" busangot tuloy ng isa ng akmang tatayo na din si Rod

Sayang! Babagal-bagal din kasi eh

"Sa susunod kasi, magkusang loob ka na" nakangising tapik ni Viel sa balikat nito "Cr muna ko" tayo pa nito

"Ay grabe! Pati pagbabanyo sinasabi na" pagpaparinig ni Mira na ikinatawa namin

"Baka lang gusto nyong sumama" ngisi lang ng isa

Akmang hahabulin sya ng batok ni Ollie ng tumakbo na sya at pumasok sa banyo na ikinatawa namin

Kahit kailan talaga, Oo!

"Pagnakikita ko si Viel, parang gusto kong maging nurse paglabas ko" naiiling pero nakangiting turan ni Lanie

Umayos na sya ng upo at nagponytail

"Bakit naman?" tanong ko

Para kasing weird, since sabi nya takot sya sa injection. Kaya nga pinagalitan ni Ollie at Zealan si Mira ng tusukan sya nito eh

"Sya lang hindi makakalabas dito eh" nakangiti pero halatang nalungkot na sagot nito

Hindi din tuloy naming maiwasang malungkot. Oo nga pala, kapag nakalabas na kami. Walang makakasama dito si Viel

#1 CWS: Two In A MillionWhere stories live. Discover now